Chapter 3 - Kai?

1.4K 26 2
                                    

Chapter 3

*Alex*

Napangiwi ako sa lakas ng pagkakahagikgik ni Mary, habang naglalakad kami papunta sa may parking lot.. tapos na kasi ang klase namin, at sa pagka-swerte swerte ko nga naman, natapos ko din ung tinatahi ko in time.. medyo pangit nga lang ung edges ng gown, dahil may maliliit na butas ito, gawa nung pagkakatahi ko ng mali doon.. napansin un nung prof namin, pero tinaggap din naman nya un..

No choice..

Wala na din kasi kaming magagawa, dahil susuotin na un ng mga bata bukas..

“infairness, bakla.. bet na bet ko ung feslak nung Wendy na un kanina..” sabi nya nang makakuha na siya ng pagkakataong huminga..

“ano ba itsura?” tanong ko naman..

Tumawa na naman siya ng pagkalakas lakas, at un ang sanhi ng pagtingin sa amin ng mga taong nasa parking lot din.. hindi ko pinigilan si Mary sa pagtawa nya, dahil nagugustuhan ko ang pagkaka-irita ng mga tao ngayon sa paligid ko.. minsan na lang ako makakaganti sa mga to, bakit ko pa pipigilan si Mary.. sila sila din naman ung mga nambu-bully sa akin, kaya bakit ko pa pipigilan ang bibig nito kung dun lang din naman sila naiinis..

“epic ang fes, bakla!” sabi nyang bigla sabay tawa.. “parang hindi matae! Selos na selos..”

“selos na selos?” i exclaimed.. i rolled my eyes.. “wala naman siyang dapat ika-selos no..”

“aminin natin sa hindi, bakla.. mas may chemistry kayo ni papa Kai kaysa sa kanya no.. tsaka mas matagal ang pinagsamahan nyo, kaya halos magkamukha na kayong dalawa.. kaya abot langit ang inggit sayo nung maarte na un eh, kasi kahit hindi sabihin ni Kai, mas may care siya sayo kaysa sa kanya..”

Sabay tawa na naman nya.. i looked at her and she’s still laughing.. how can she manage to laugh at times like this? I mean, dahil dun sa mga na-observe nya.. hindi ba dapat mag-alala pa nga siya sa akin dahil nag-uusap at nagkikita na naman kami ni Kai?

Sabagay, wala namang hinangad yan kundi ang magkabalikan kaming dalawa – kahit na matindi ang pinag-awayan namin noon.. number 1 fan nga daw kasi siya ng loveteam namin ni Kai,kaya support all the way ang peg nyan.. -_-

tumingin ako sa babaeng nasa paligid at para yatang gusto kong matawa dahil sa itsura nila.. halatang mga naiinis na talaga dahil naistorbo sila sa pagchi-chika-han nilang magba-barkada dahil sa tawa ni Mary..

“lakasan mo pa nga ung tawa mo, bakla..” bulong ko..

Napahinto siyang bigla.. “ay, malakas ba bakla? Sorry..”

Umiling ako at ngumiti.. “ok lang.. naiinis nga ung mga nandito sa parking lot eh.. naiingayan sayo..”

“naku.. nakakahiya..”

“hindi no! bet ko nga dahil naiinis sila eh..” sabay irap ko sa nadaanan naming dalawang babae na naka-irap din naman sa amin.. “jan man lang sa tawa mo eh makaganti ako..”

Napatawa ulit siya.. “sabagay, bakla.. sabi nga ni bossing, this is democratic country.. i can do what i want..”

“korek!”

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon