Chapter 27 - part 2

406 12 1
                                    

Chapter 27

*Alexis*

Mabilis akong nagpalit ng damit, pagkapasok ko pa lang ng kwarto namin.. alam kong sumunod siya sa akin, pero hindi ko siya pinansin dahil patuloy lang ako sa ginagawa ko.. hindi ko kasi maiwasang hindi na naman mainis - no, masaktan dahil parang umulit sa akin ung nangyari noon.. isa sa mabigat na dahilan ng pag-a-away namin noon eh dahil sa mga babaeng naka-two piece..

Yes, i know, napaka-liit na bagay lang ng kinaiinisan ko, pero ko hindi maiwasang hindi ko ito maramdaman ulit dahil pumatol siya dito noon.. sa mismong harapan ko pa nakita ang kaganapan nila Kai at nung babaeng kasama nya noon, kaya ganito na lang ang galit ko.. kitang kita ko noon kung paano ako naiwan sa ere dahil mas pinili nyang samahan ang babaeng un noon kesa sa akin..

That was my worst day ever, at para akong mababaliw ngayon dahil sa takot.. takot na baka maulit na naman si Kai sa kagaguhan nya..

Ayoko nang masaktan.. takot na ko..

Lumipas ang ilang oras at hapunan na kaagad.. hindi pa din kami nagpapansinan ni Kai dahil wala ni isang kumikibo sa amin.. alam nya ang dahilan kung bakit nagkakaganito ako.. alam nya ung ginawa nya, pero nananatili lang siyang tahimik..

Mas lalo tuloy ako nainis..

Nilipat-lipat ko ung channel ng t.v dahil bored na ko, at the same time, gutom na.. nandun siya sa kabilang sofa habang ako naman ay nasa dulo ng mahabang sofa kung saan, ilang dipa ang layo sa kanya.. pa-iling iling pa siya nang mapansin ang ginagawa ko at umirap lang ako..

"hindi ganyan ang pagsira nyan, mahal.." malumanay nyang sabi.. "gusto mo nang kumain?"

Hindi ko pa din siya pinansin.. patuloy pa din ako sa ginagawa ko.. napabuntong-hininga na lang siya at tumayo saka lumakad palayo sa akin.. napa-iling na lang ako.. wala talaga siyang gagawin? Inalisan pa ko?

Hindi nagtagal ay medyo inaantok na ko.. naisipan ko nang bitawan ung remote control ng t.v at nahiga sa sofa.. pakiramdam ko ay ang tagal kong nakatulog dahil nang gumising ako ay masakit ung leeg ko dahil sa ngawit.. naramdaman ko ding may humahaplos sa buhok ko at alam ko namang si Kai un, kaya dun ako nagising..

Pagkadilat ko, mukha na nya kaagad ung nabungaran ko..

"gising na, mahal.. nakaluto na ko.. kain na tayo.." sabi nya..

"anong oras na?"

"magte-ten na ng gabi.. halika na, kain na tayo.."

Napalingon ako sa may mini table sa likod nya, dahil naamoy ko ung pagkain na niluto nga nya.. napangiti ako.. "thank you.." sabay tayo ko..

"'di ka na galit?" sabi nya ng alangan..

Oo nga pala no.. galit nga pala ko sa kanya..

Binalik ko ung simangot ko kanina at hinarap siya.. "galit.."

He sighed.. "ok.. let's eat.."

Kumain na kami ng tahimik.. hindi ko alam kung lilingunin ko ba siya o hindi dahil parang may gusto siyang sabihin sa akin.. naisip ko naman na batiin na siya, dahil ayoko din namang lumaki pa ung away namin.. we must enjoy this vacation at hindi para mag-away, pero ganito kami..

Humarap ako sa kanya at magsasalita na sana, nang bigla siyang humarap sa akin at sinabing..

"trust me, napatingin lang talaga ako dun.." sabi nyang bigla.. "oo, inaamin kong medyo napatitig nga ako dun, pero dahil un sa kasama nyang lalaki kanina.. did you saw that guy? Ung naka-blue na board shorts? I think, he's harassing that girl, kaya napatingin ako.."

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon