Chapter 20 - first date

664 20 2
                                    

Chapter 20

*Alex*

“hindi pwede, bakla! Bumalik ka dito!”

Napahinto at napangiwi ako sa biglaang sigaw ni Mary, nung akmang pupuslit na ko ng room namin palabas.. umikot ako at hinarap siya – kung saan nandun siya sa may pintuan at nakatayo with matching pamewang pa.. tinuro nya ko at pinabalik ako gamit ung hintuturo nya..

“bakla, kung gusto mong makipag-date, papayagan naman kita..” hirit pa nya.. “pero hindi pwede ung magka-cutting classes ka na naman ng dahil jan! Aba bakla! Wala kang ka-dala dala!”

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya ng dahan-dahan.. “bakla.. 3 ang uwian natin ngayon.. by 6 ng gabi dapat nasa bahay na ko.. alam mo naman na sinabi ko lang kina tatay na may lakad tayo kaya pinayagan nya ako hanggang 6..”

“oh ayun naman pala eh.. may oras pa naman kayo ah.. 3 hours! Pwede na un!” sabay tawa nya ng nakakaloko..

Lumapit ako sa kanya saka ko siya binatukan.. “loka ka, bakla! Kung ano-ano yang pinagsasasabi mo..” sabay irap ko..

“eh bakit ba kasi kailangan mo pang mag-cutting class, eh mahaba pa naman ang oras mo..”

Napakamot ako.. “bakla naman.. ngayon na lang ulit kami mag-de-date ni Kai eh.. sana naman ung mahaba haba ung oras namin.. alam mo naman siguro ung ibig kong sabihin, diba?”

Huminga siya ng malalim.. “bahala ka na sa buhay mo, bakla! Basta ako, lusot ako jan ha.. kapag hinanap ka sa akin ng nanay mo, hindi ko alam kung nasaan ka..”

Yumakap ako sa kanya.. “thanks, bakla! Ililibre talaga kita bukas ng lunch..”

Tinulak-tulak nya ko.. “bumabalik ka na naman sa ugali mong yan, Alexis.. sana hindi na naman maka-apekto sa pag-a-aral mo yang si Kai ha..”

Kumalas ako sa yakap ko sa kanya at ngumiti ako.. tumango lang ako sa kanya at saka lang ako tumalikod palayo sa kanya.. nilakad ko ung hallway namin na abot-tenga yata ung ngiti ko, dahil first date namin ni Kai ngayon at mahaba-haba ang oras namin.. ayaw kasi akong payagan ni tatay na makipagkita ako kay Kai simula nung nakita nyang magkasama kami nung isang gabi.. last na daw un, at kapag mauulit un, lalakarin na daw nya ung mga papeles ko patungo sa France at dun na daw nya ko pag-a-aralin..

Minsan, naiisip ko kung bakit dun pa tumira sina tita Angel – kapatid ng tatay ko – at para yatang sinadya dahil dun ako titira once na dun na ko mag-a-aral.. parang sinadyang mag-migrate nila tita dun para lang sa akin..

-_-

Inisda ko sa bulsa ko ung phone ko at dinial kaagad ung number ni Kai.. lunch time naman ngayon at alam kong naka-break siya ngayon, kaya matatawagan ko siya.. ilang rings lang ang narinig ko at agad kong narinig ang boses nya..

“mahal..” malambing nyang sabi..

Kinilig yata ako.. “mahal ang bigas..” biro ko..

“tsss.. luma na yang joke mo na yan..”

Napatawa ako.. “kahit na.. at least mabenta pa din..” sabi ko habang nag-a-abang ng taxi.. “papunta ko sa office mo, mahal..”

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon