Chapter 28 - flashback

449 18 6
                                    

Chapter 28

*Alex*

Pagkarating namin sa bahay, agad akong dumiretso sa kusina para magluto.. sa totoo lang, mukhang pagkain talaga si Kai, kahit na halos kakakain lang namin, kaya nandito na naman ako sa kusina para magluto.. nag-request pa nga siya na ung pinitas nyang mais kanina at un na lang daw ung kainin namin..

Napatawa na lang ako..

Nagsalin na ko ng tubig sa kaldero para sa pagpapakuluan ng mais.. nilagang mais kasi ang gusto nung matakaw na un, kaya uumpisahan ko na..

Habang hinihintay kong kumulo ung niluluto ko, hindi ko maiwasang hindi na naman maisip ung pagiging balisa ko kanina.. pati ung pagiging balisa ni Kai.. ayoko sanang isipin pa un, pero hindi siya mawaglit sa isip ko..

Natatakot na kasi akong mangyari ulit ang dati.. nadala na ko.. ayoko ng maramdaman ulit ung sakit na naramdaman ko noon.. nagtiwala ako ulit sa kanya, pati na din ang nanay at tatay ko, kaya masakit kapag nabali na naman itong muli.. hindi pa un, ayoko nang magkahiwalay pa kami ni Kai dahil ikakamatay ko na kapag naghiwalay na naman kaming dalawa..

Pumikit ako ng mariin at umiling ng todo.. napasandal ako sa may sink at umiling ulit.. hindi.. hindi mangyayari ulit un.. this is our second chance at hindi na naman un sasayangin pang muli.. sabi ko sa isip ko..

Napahinga ako ng malalim.. inalis kong pilit sa isip ko ang mga bumabagabag sa akin at sinimulan ng magluto.. dumating na din sa kusina si Kai at tinulungan na ko sa ginagawa ko.. nagdala pa nga siya ng kanin na hiningi pa daw nya kay aling Linda at may kasama pang dalawang malalaking tinapa na hiningi nya din sa kanya..

“medyo makapal ang mukha, mahal..” biro ko sa kanya..

Napatawa siya.. “natakam ako sa kinakain nila, mahal eh.. sabi ko patikim, pero binigay na sa akin lahat..”

Napailing na lang ako habang napapatawa.. hindi nagtagal at kumain na kaming dalawa.. pinagusapan lang namin ung mga gusto naming gawin dito habang wala pa daw sila tito dito.. baka daw bukas ng hapon ay nandito na sila, kaya dapat ay sulitin na namin ung stay namin dito na kami pa lang daw dalawa..

Napatawa ako, lalo pa sa sinasabi nyang malaki daw na istorbo si Kyle sa amin kapag nandito na ang bata..

“hindi na hihiwalay sayo un.. pustahan tayo..” sabi pa nya..

Tumawa ako.. “oo na.. to naman.. parang hindi nya kapatid un..”

“i’m just stating the truth..”

“pagbigyan mo na kasi kapatid mo naman..”

“hindi kita maso-solo nun mahal.. gusto ko tayong dalawa lang..”

Nakatapos din kami sa pagkain at dumiretso na siya sa itaas para maligo.. ako naman ay naiwan sa ibaba dahil liligpitin ko pa ung mga pinagkainan namin.. after that, sinarado ko na ung bahay at saka lang ako umakyat sa itaas..

Naligo na din ako at nagpatuyo ng buhok.. nakatapat sa electric fan ung buhok ko at sinusuklayan ko ito gamit ang kamay ko.. at alam ko ding nakatitig si Kai sa akin with his famous pose kapag nakahiga na siya.. Ung nakatagilid at nakatukod ung braso sa ulo nya, at ung isang braso nya ay nakapamewang sa bewang nya..

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon