Chapter 9 - a-vu-tu

1K 20 7
                                    

(eye smile ni Kai at the right side.. hottie! XD)

Chapter 9

*Alex*

“marunong ka magpa-ligo ng bata, Xis?”

 

Tanong sa akin ni Kai nang maabutan nya kong pinapaliguan ko ung kapatid nya.. naisip ko kasi na bago dumating si Kai galing sa trabaho nya at bago ako pumasok sa school, nakaligo na si Kyle para wala na siyang gagawin kundi ang alagaan na lang ang kapatid nya.. alam kong pagod siya, kaya ako na ang gumawa nito..

 

Tumango na lang ako bilang sagot..

 

“wow.. amazing..”

I laughed.. “nagpaligo lang ng bata, Kai.. amazing kaagad?”

“ngayon lang kasi kita nakitang magpaligo ng bata..” sabi pa nya..

“ngayon nga lang, pero palagi ko tong pinapaliguan.. hindi mo lang ako naaabutan, ngayon lang..”

 

Binalot ko na sa towel si Kyle at binuhat na paalis dun sa pinaglalaruan nyang timba na may lamang tubig.. umiyak pa nga pero tumigil din ito dahil binigay ko ung tabo na hawak nya kanina..lumakad na ko patungo dun sa kwarto nya at ibinaba sa kama para punasan na at bihisan..

 

Kinakausap ko lang si Kyle – or inuuto, rather – para hindi maglilikot.. sinasabi ko lang ung tungkol sa nangyari sa pinanuod namin kanina at nakikinig naman ang bata.. hindi ko naman namamalayan na nakamasid pala si Kai sa amin at panay na ang tawa..

 

Napalingon ako.. “bakit?” tanong ko, habang sinusuotan ko na ng damit si Kyle..

Umiling siya pero nakangiti.. “kung ako yan, siguro naghabulan muna kami bago siya makapagbihis..”

I chuckled.. “kulang ka kasi sa tyaga..”

“hindi ah.. ayaw lang nya talaga sa akin.. laging sayo..”

“selos ka naman..”

Nagkibit-balikat lang siya.. “ewan..”

 

Natawa ako.. alam ko namang nagseselos yan, pero in a good way.. kilala ko kasi kapag nagseselos yan, at namumula ng husto ung tenga.. napa-iling na lang ako..

 

“ako din, ate Alex.. paliguan mo ko..” bigla nyang sabi..

Dinampot ko ung tabo na hawak kanina ni Kyle at binato sa kanya – na naiwasan nya naman.. “loko ka!”

“masakit un, Alex ha!” sigaw nya pero natatawa tawa..

“loko ka kasi..”

“buti hindi ako natamaan.. tsk. joke lang naman eh..”

“bakit, hindi ka ba marunong maligo mag-isa?”

Umiling siya.. “hindi ako naliligo..” biro nya..

“i know..” sabay tawa ko..

 

Kinuha ko sa tabi ung pulbos ni Kyle at nilagyan ko siya sa leeg sa dibdib tsaka sa likod.. kumuha din ako ng konti para sa pisngi, noo at ilong nya.. nilalagyan ko kasi siya ng pulbos sa ilong dahil un ung gusto nyang ginagawa ko sa kanya.. napatawa siya..but  after that, tumakbo na ung bata at lumabas na ng kwarto na hula kong naglaro na naman dun sa ginawa kong bahay-bahayan nya..

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon