Chapter 21 - KAINE DANIEL!

578 19 2
                                    

Chapter 21

*Alex*

Ilang buwan na ang lumipas, at para pa din kaming nagliligawan ni Kai.. para bang binabawi namin ung mga panahon na nasayang naming dalawa.. nung una, patago pa kaming nag-de-date ni Kai dahil nakamasid palagi si tatay, pero ngayon parang hinahayaan na nya kami.. kasi nung time na nagpunta kami noon ni Kai sa may roof deck ng kaibigan nya, hindi ako nakauwi ng sakto 6 nun, dahil kumain pa kami sa labas ni Kai.. 8 na yata ng gabi un, at as usual, nakaabang ang tatay ko sa labas kaya nakita nya si Kai na kasama ako..

Pinagalitan nya ko, after that.. pati si Kai, dahil he insisted na mag-e-explain daw siya kay tatay.. todo explain pa nga siya, pero in the end, hindi pa din siya pinakinggan ni tatay at last na daw ang pagkikita namin na un..

Hindi na nya ko pinayagan noon na lumabas.. kahit idahilan ko pa si Mary, hindi na naniniwala si tatay sa sinasabi ko dahil baka si Kai lang daw talaga ang pakay ko.. kaya hindi kami nagkakaroon ng oras ni Kai.. puro face time lang tuloy kami, at minsan, hindi pa kami nagkakausap dahil busy siya sa trabaho nya..

Mga dalawang buwan din kaming dumaan sa ganun.. dahil ayaw talaga ni tatay na magkalapit ulit kami ni Kai.. pero habang tumatagal, nararamdaman kong lumuluwag na si tatay dahil hindi daw ako mapigilan.. para daw mas tumitigas ang ulo ko, kapag pinaghihigpitan pa nya ko..  kaya nga minsan, kahit alam na ni tatay na tumatakas na ko, hindi na nya ko pinipigilan pa at napapa-iling na lang siya..

naalala ko pang sinabi ni tatay,

“wag mong sabihing hindi kita sinabihan.. binalaan na kita, Alexis.. ginawa ko na ang lahat para hindi mo ulit maranasan ang nangyari sayo noon dahil sa lalaki na yan, pero makulit ka.. sana tama yang pinaglalaban mo..”

Nung una, naiyak ako sa sinabi ni tatay dahil para akong nabagabag dun.. parang sinasabi nya na pagsisisihan ko ang naging desisyon ko, dahil mali ito.. na posibleng gawin ulit ni Kai ung ginawa nya sa akin noon..

pero habang tumatagal, napapatunayan ko naman sa kanya na tama ang naging desisyon ko, dahil pinapakita sa akin ni Kai ang pagbabago nya..

And i’m glad because ginagawa nya nga ang lahat, para lang mapatawad siya ni tatay.. syempre ngayon, hindi pa sila in good terms ni tatay, pero pinapayagan na nya kaming magkitang dalawa at nakakausap na ni tatay si Kai kahit papaano..

And now.. mag-a-anim na buwan na kaming mag boyfriend-girlfriend.. at ang sarap lang sa pakiramdam dahil ramdam ko na mas minamahal pa namin ang isa’t isa kada patak ng oras..

And anytime soon, masasabi ko na din sa kanya ang mga dapat nyang malaman, and i hope, maging na maayos ang lahat..

I sighed and i smiled unconsciously..

Pabagsak akong nahiga sa kama at in-spread ko ung mga braso’t binti ko sa kama ko at nagkakawag dahil sa saya..

Ang saya lang.. kasi, parang pumapayag na si tatay sa relasyon namin ni Kai..

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon