Chapter 36 - guilt

447 11 2
                                    

Chapter 36

*Alex*

Nakatulog na ang anak ko after kong sagutin lahat-lahat ng tanong nya sa akin.. kahit na ganun pa lang siyang ka-bata, ang dami na nyang tanong na para ba siyang binata na.. naka-isang oras at mahigit yata kaming nag-question and answer bago siya makatulog..

napapatawa na nga lang ako at nagugulat dahil sa mga tanong nyang unexpected..

“nasa ibaba na si Kai, hinihintay ka..”

Napatingin ako sa may pintuan at nagulat pa ko ng makita si tatay dun at iyon ang sinabi niya.. nakakuyom pa din ang mga palad nito, pero alam kong pigil na pigil na ang galit nito.. napatango na lang ako at nag-alis ng tingin..

“this is the last chance, Alexis..” halata ang pagbabanta sa boses nya.. “tell him about King and your flight tomorrow and nothing else.. i want you to settle things with him, especially your closure with him.. you and him were over.. i don’t want you to be near with him, except for this night.. do you understand me?”

I nodded at napayuko na lang ako.. “opo, tatay..”

“good..”

Tumalikod na siya at sinarado ang pintuan ng kwarto.. dun lang yata ako nakahinga ng maluwag, dahil hanggang ngayon ay natatakot pa din ako sa tatay ko.. napahiga na lang ako at tumingin sa kisame saka huminga ulit ng malalim.. ang laking sugat ang binigay ko sa tatay ko, at hindi basta bastang maaalis un hangga’t hindi ko siya sinusunod sa gusto nya..

At ang pagpunta ko sa Spain ang solusyon sa lahat..

Agad akong umalis sa kama as soon as humimbing na ang tulog ng anak ko at kinumutan siya.. humalik lang ako sa noo nya saka ako tumayo at tumungo sa drawer ko para kumuha ng tuyong towel.. nasa ibaba daw si Kai dahil pinapasok na siya ni nanay.. at kahit ayaw ni tatay, pinapasok pa din nya ito, dahil kailangan daw namin mag-usap..

Nanay really loves me.. kahit na alam nyang pwede pa ding magbago ang isip ko, pumayag pa din siyang makausap ko si Kai..

After kong ma-sure na nasa safe place ang anak ko, lumabas na ko ng kwarto at bumaba na sa sala.. nandun nga si Kai sa may tapat ng pinto at nagpapatulo ng tubig sa katawan.. nilalamig na siya dun dahil kita kong nanginginig na siya, pero still, naghintay pa din siya sa akin.. lumapit na ko sa kanya at binigay ko ung towel na hawak ko..

“oh..”

Nagulat pa siya nung makita nya ko sa harap nya.. but seeing him this close, parang maiiyak na naman yata ako dahil na-miss ko siya ng sobra at natutuwa ako nang makita ko siya ng ganitong kalapit sa akin.. parang gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko at bugbugin ko siya ng halik ko..

No, Alexis.. wag na wag ka ng gagawa ng ikasisisi mo na naman sa huli.. bulong ko sa sarili ko..

He looked up at me and said, “tell me about the baby..”

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon