Chapter 8 - forehead kiss..

1K 18 4
                                    

Chapter 8

*Alex*

Ilang oras din siguro akong nagpalibot-libot sa mall kasama ung dalawa at isa lang ang masasabi ko..

Pagod.

Ikaw ba naman ang maghabol ng maghabol sa batang hyper na panay ang takbo dito, takbo doon at wala nang ibang ginawa kundi magtatakbo lang.. sumakay pa nga siya sa carousel at ako talaga ung kasama nyang pumasok dun, kaya may kasamang ‘jetlag’ ang pagod  ko ngayon.. pinipilit ko ngang si Kai na lang kanina kaso lang, knowing him, much better kung hindi na lang sumakay si Kyle sa carousel at mag-i-iyak, wag lang siyang ma-drag papasok dun..

Wala naman akong nagawa kundi samahan ung bata dahil baka umiyak na naman..

Kaya eto, plakda ang bata sa kandungan ko at kahit anong gawing gising namin ay hindi ma-gising gising.. iiyak naman kapag pinilit, kaya hinayaan ko na..

“bubuhatin ko na lang papasok sa bahay nyo si Kyle, Kai.. tapos ihihiga ko na lang sa kama nya..”

“are you sure? Pwedeng ako na lang bumuhat..”

“baka magising eh.. tsaka ayaw bumitiw sa akin.. hayaan mo na..”

“ganun ba.. o sige..”

Bumaba na ng kotse si Kai at umikot patungo sa side ko saka nya ko pinagbuksan ng pinto.. dahan-dahan naman akong bumaba at ingat na ingat na baka maiuntog ko sa kanto ng pinto ung ulo ni Kyle.. nang makalabas na ko, dali-dali namang nyang binuksan ung pinto ng bahay nila saka ako pinapasok sa loob paakyat sa kwarto ni Kyle.. naka-alalay lang sa aming dalawa si Kai hanggang sa makapasok kami ng kwarto.. dahan-dahan ko namang inihiga si Kyle sa kama nya and then after, inalis ko na ung shoes and shocks nya saka pati ung mga kolorete nya sa katawan..

Bata nga naman..

“Kai.. pakuha naman ako ng pamalit na damit ni Kyle oh.. bibihisan ko na bago ako umuwi..”

Hindi kumibo si Kai matapos kong sabihin un, pero narinig ko ang yabag ng paa nya at alam kong patungo siya sa closet ng kapatid nya.. rinig ko din ang pagbukas at pagsara nung closet ni Kyle at pagkatapos, lumakad na siya papunta sa akin.. inabot lang nya ung damit sa harap ko at kinuha ko naman un saka ko isinuot sa kapatid nya..

“i-explain mo na lang sa kanya Kai kung bakit wala ako dito bukas ha..” sabi ko habang isinusuot ko ung isang sleeves sa braso ni Kyle.. “baka umiyak na naman eh..”

“hmm..” sagot nya..

“tsaka babalik naman ako before ng birthday nya.. i’ll do some sketches, dun sa gown nya..”

Pagkasuot ko nung isang sleeves ng PJ’s nya, ung pang-ibaba naman ung sinuot ko sa kanya and after that, kinumutan ko na ung bata saka tumayo na.. tinuwid ko lang ung damit ko at tumingin ulit kay Kyle na tulog na tulog saka lang ako humarap kay Kai – only to find out na nakamasid pala sya sa akin – up to this extent at nakangiti pa..

Problema nito?

“di ka pa din nagbabago, Lex..” sabi nyang bigla saka sya humalikipkip at sumandal sa kanto nung pinto.. “nakikita ko pa din sayo ngayon ung nakita ko sayo noon..”

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon