Chapter 25 - mahal na prinsipe..

550 12 3
                                    

Chapter 25

*Alex*

“Alexis, napag-usapan na natin to, hindi ba? Bakit biglaan?”

Napahinga ako ng malalim at humarap sa nanay ko, kung saan pinapanuod nya kong mag-empake ng damit ko para sa alis namin ni Kai mamaya, at nakasandal siya sa may pintuan ng kwarto ko.. tumayo ako at lumapit ako sa kanya saka ko hinawakan  ang braso nya at saka sinabing..

“nay, akala ko ba payag ka na?”

“oo nga anak.. kaso lang, hindi ko alam na ngayon na kaagad ung lakad nyo..”

“sinabi ko po sa inyo un, nay..”

“sinabi mo ba? Wala akong natatandaan..”

Napakamot ako sa ulo ko.. “nanay naman..”

She sighed.. “hinahanap ka kasi ng mga bata.. lalo na si King.. kailangan mo siyang makita..”

I sighed.. “mabilis lang naman po un, nay.. limang araw lang po kami nila Kai dun..”

“saka ka na kaya pumunta, anak? Maiintindihan naman siguro ni Kai kung bakit..”

Humawak ako sa kamay nya.. “nay.. kaya po ako sasama kina Kai, dahil sasabihin ko na po ang lahat.. alam ko pong tutol si tatay sa gagawin ko, pero diba un naman po ang dapat?”

“nag-aalala ako sayo, anak.. baka masaktan ka na naman..”

Umiling ako.. “hindi po nay.. hindi po ako masasaktan dahil un naman talaga dapat ang ginawa ko, noon pa..”

“pero, anak.. naisip mo na ba ang iisipin sayo ni Kai kapag nalaman nya—“

“nay..” pagputol ko sa sinasabi nya.. “hindi po.. alam ko pong hindi..”

She nodded.. “pero hindi ibig sabihin na pinayagan ka namin ng tatay mo, eh pabor kami sa gagawin mo anak ha.. ayaw ka talaga namin pasamahin jan kay Kai pero wala kaming magawa.. gusto naming makumpleto ka.. alam mo kung ano ang ibig kong sabihin..”

I nodded.. “thank you po, nay.. sobrang thank you po sa inyo ni tatay dahil napakabuti nyo po sa akin..” yumakap ako.. “i love you nay..”

Yumakap din pabalik si nanay at hinagod ang likod ko.. “o siya siya.. pagkauwing pakauwi nyo, dumiretso kayo dun sa bahay ng kuya mo ha.. hihintayin namin kayo dun ni Kai..” humiwalay siya at tinitigan ako.. “mahal kita, anak.. gusto kong sumaya ka na..”

I smiled wider.. “thank you po, nanay kong maganda..”

Napairap ang nanay ko.. “asus! Nambola pa..”

Napatawa na lang ako at niyakap ko pa nang mas mahigpit ang nanay ko..

------------------------

“..oh, and i can’t keep my eyes on the road, knowing that she’s inches from me... wooohooo..”

Inihit na naman ako ng tawa ng bumirit na naman si Kai habang busyng busy siya sa pagda-drive nya – at the same time, sa pagkanta nya.. hawak hawak nya ang kamay ko at saktong pagtawa ko, ay pinagsalikop nya ang mga daliri namin.. kahit nakakatawa siya dahil sa ‘perfect’ singing niya, ay kinikilig ako, dahil sa ginagawa nya..

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon