Chapter 6 - Jason..

1.1K 23 2
                                    

Chapter 6

*Alex*

“5.. 4.. 3.. 2.. 1.. HAPPY ANNIVERSARY!!”

Sabay ng pagsigaw naming dalawa ay ang pagbulusok ng mga fireworks sa madilim na kalangitan at nagliwanag naman ang mga un dahil sa mga nalikhang iba’t ibang liwanag nito.. mas lumaki pa yata ung ngiti ko dahil mas naging special ang araw na to sa aming dalawa dahil sa iba’t ibang kulay ng fireworks..

 

I love fireworks..

 

And i love this man beside me..

 

I feel his arms snaked on my shoulders and gripping me close to him and buried his nose on my hair.. mas hinigpitan ko naman ung yakap ko sa bewang nya at diniin ko pa ung pisngi ko sa dibdib nya.. rinig na rinig ko ung tibok ng puso nya at alam kong pangalan ko ang tinitibok nito..

 

Yee.. and corny ko..

 

“1 year and still counting, baby ko..” sabi nya..

I chuckled.. “yes, 1 year and still counting din ung mga endearments mo sa akin..”biro ko..

Natawa din siya.. “i just don’t know what to call you.. kapag ako nainis, i’ll call you mine..”

“wow!” sabay tawa ko.. “nakakainis ang ka-corny-han mo, Kai..”

He hugged me tighter.. “ganun kita ka-mahal, baby..”

“sige na nga.. baby na nga..”

 

Inalis nya ung isang braso nya sa pagkakayakap nya sa akin at may kinuha siya sa bulsa ng jacket nya.. pagka-alis naman nya dun, itinapat nya sa harapan ko ung kamay nya – close fist – at winave nya un sa harapan ko..

 

“ano yan?” tanong ko..

“magic..”

 

Niwagayway nya un ng konti sa harap ko at konting shake ng kamay saka nya binuksan ung kamay nya, revealing a shining silver? White gold? Necklace with crown pendant.. nakasabit un sa isang daliri nya, kaya kita ko ung kinang at ganda nito.. naalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tumingin ng gulat sa kanya..

 

“para sa akin?” tanong ko..

Tumango siya.. “para sa baby princess ko..”

I laughed again pero tears starting to form on my eyes.. “baby na, princess pa?”

He smiled.. “you are my baby and you are princess.. hindi ba? Princess Alexis name mo?”

Napalabi ako pero natutuwa ako.. “oo nga naman..”

He kissed my eyes.. “iyakin.. turn around.. susuot ko to sayo..”

 

Tumalikod naman ako at naramdaman kong hinawi nya ung buhok ko patungo sa side.. kinabit na nya un and it hangs on my neck.. napangiti ako.. ang ganda ganda nito, lalo na ung pendant.. pang-princess nga ung korona nito..

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon