Chapter 4 - Kyle..

1.2K 23 7
                                    

Chapter 4

*Alex*

Huminga muna ako ng malalim bago ko itapak ang paa ko sa pavement, kung saan maaabot ko ung doorbell at gate nila.. ngayon na lang ulit ako makakapunta sa lugar na to kaya ginagapang ako ng matinding kaba.. ilang araw na din kasi ako kinukulit ni Kai na pumunta dito dahil palagi din daw siyang kinukulit ni Kyle.. gusto na daw ako makita nung bata, kaya nandito na ko..

Sa tapat ng bahay nila..

Sinadya ko talagang pumunta sa araw na may trabaho si Kai, para hindi kami mag-abot.. everyday naman yata ung pasok nun, kaya alam kong wala siya sa bahay nila..

mabuti na lang at holiday, kaya wala akong pasok..

Pipindutin ko na sana ung doorbell nang biglang bumukas ung gate.. napa-atras akong bigla at lumanding kaagad ung tingin ko sa nagbukas nito – at nalaman kong si Kyle pala un..

Nanlaki bigla ung mata nya.. “Ate Alex!” tili nya..

Kumaway ako.. “hello, baby..” sabi ko ng nakangiti..

Napasinghap ako nang bigla nya kong yakapin ng mahigpit at umiyak siya ng umiyak sa tiyan ko.. “Ate.. you’re here! You’re here!”

Napatawa ako.. hinawakan ko ang magkabilang braso nya at lumuhod ako para makapantay ko siya.. i wiped her tears at hinalikan ko siya sa noo nya.. “why are you crying, baby? Nandito na nga si ate, tapos umiiyak ka pa..”

“i-i-i just missed you, Ate..” sabi nya ng humihikbi..

Napangiti ako.. “oh, i’m here na.. hush now..” sabi ko habang pinupunasan ko ung mukha nya.. “saan ka ba pupunta?”

“bibili po ko jan ng kanin tsaka ulam..” tinuro nya ung kainan sa tapat ng bahay nila.. “nagugutom na po kasi ako eh..”

“oh? yung yaya nyo, hindi ba nagluluto un?”

Umiling siya.. “wala na po kaming yaya ate.. pinaalis ni kuya..”

Nangunot ang noo ko.. “bakit?”

“wag ka maingay ate ha..” tumango ako.. pinunasan niya ung pisngi nyang napuno ng luha at saka siya lumapit sa tenga ko.. “may crush po kasi un kay kuya.. kaya pinaalis ni kuya..”

Napalabi ako.. “dahil lang dun?”

Tumango siya.. “kaya ngayon ate.. nagte-take out na lang kami ni Kuya dun kay aling Nena ng pagkain..” hinawakan nya ung tiyan nya.. “ate.. bibili lang ako ha.. nagugutom na ko eh..”

“ok.. masarap ba dun?” sabi ko nang hawakan ko ung kamay nya para samahan siya dun sa bilihan..

Umiling siya habang nakangiwi.. “hindi nga po ate eh.. ang tabang..”

Napahinto ako sa paglalakad and it happened na napahinto din siya.. tumingin siya sa akin at ganun din ako sa kanya..

“may laman ba ung ref nyo?” tanong ko at bigla siyang napangiti.. tumango siya.. “may kalan naman kayo, no?” tumango ulit siya.. “mahihintay mo ba si ate kung magluluto na lang ako?”

Suminghap siya at nangningning kaagad ung mata nya.. “opo! Opo! Opo naman, ate! Halika na! Dali!”

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon