Chapter 7 - bipolar..

1K 21 2
                                    

(mad Kai at the right side.. XD)

Chapter 7

*Alex*

“piliin mo na lahat.. kahit sino, Lex.. wag lang siya.. please..”

Hindi ako nakakibo.. nakatitig lang ako sa mukha nyang may galit at pagmamakaawa hanggang sa mag-iwas na siya ng tingin at magpatuloy sa pagmamaneho nya.. ung kaninang sobrang bilis ng pagpapatakbo nya, ay kabaliktaran na ngayon dahil sumobra naman kami sa bagal.. nakikita ko lang na nagtatagis ang mga bagang nya at ang higpit ng pagkakahawak nya sa manibela nya..

Huminga ako ng malalim..

“Kai..” sabi ko.. “kung iniisip mong nagka-ayos na kami ni Jason, nagkakamali ka.. siguro nga nag-uusap kaming dalawa kanina, pero that doesn’t mean na nawala na lang ng parang bula ung mga ginawa nya sa atin – i mean, sa akin.. wala lang un..”pagpapaliwanag ko..

He smirked.. “talaga lang ha..”

“Kai..”

“bakit nakaluhod? Baka naman humingi na ng tawad.. Bakit may patawa-tawa pa kayo? Ano un, wala lang?”

Napapikit ako dahil nagtitimpi ako ng inis.. napahinga ako ng malalim tsaka ko siya sinagot.. “una, kaya nakaluhod, kasi ginamot nya ung sugat ko sa tuhod, pangalawa, ung patawa-tawa...” napahinto ako at napatingin sa harapan dahil wala akong maidahilan dun..

Bakit nga ba kami patawa-tawa ni Jason kanina?

“ano na?” si Kai..

I faced him again.. “bakit, masama ba tumawa?”

Napa-‘tss’ na lang siya.. “mga palusot mo eh..” sabay irap nya..

Napakagat ako sa labi ko dahil nanggigigil na ko.. “bakit ba nagpapaliwanag pa ko sayo, eh hindi ka naman marunong makinig?” i said through gritted teeth.. “ni hindi mo nga ko pinakinggan noon, bakit pa ngayon diba?”

Humigpit ang hawak nya sa manibela nya at alam kong galit na galit na siya sa akin ngayon.. hindi na lang ako tumingin sa kanya, dahil baka masindak ako sa itsura nya.. nakakatakot pa naman..

“patingin..” utos nya..

“nang alin?”

“ung sugat..”

Napahawak ako sa tuhod ko at umiling sa kanya.. “wag na.. ok na naman eh..”

“patingin sabi!” pasigaw nyang sabi..

Napatingin ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.. Kung ung dating nasisindak nya ko sa mga pasigaw sigaw nyang yan, eh hindi na ngayon dahil wala na siyang karapatan.. inaabot ng isang kamay nya ung tuhod ko, at ako naman tong si iwas dahil ayokong hawakan nya ang tuhod ko.. hindi kami bati ngayon dahil nakasigaw siya sa akin ngayon..

Ang langya, nagbabalik!

“patingin lang, Alexis!”

Dinuro ko siya na ikinagulat nya.. “wag mo ko masigaw-sigawan jan ha.. kapal ng mukha nito, tatay ba kita?” sabi ko sabay irap.. kainis..

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon