Chapter 13 - sick..

811 17 0
                                    

Chapter 13

*Alex*

Habang bumababa ako ng hagdanan namin, naamoy ko na kaagad ung niluluto ni nanay sa kusina.. alam kong si nanay ung nagluluto na un, dahil kilala ko ang ingay ng sandok nya kapag naghahalo siya sa kawali.. maingay at parang puno ng force.. alam ko din ung niluluto nya at un ung favourite ni Kuya Andre na kare-kare..

Lumakad ako patungo sa kusina namin at nakita ko ang nanay ko na nakaharap sa stove namin – nakatalikod sa lugar ko – at mukhang may lakad dahil sa bihis nya.. dahan-dahan akong lumakad patungo sa kanya at niyakap ung bewang nya na ikinagulat nyang bigla..

“ay! palaka! Jusmiyo.. sino ba tong batang to?” dire-diretsong sabi ni nanay na nagpatawa sa akin ng todo..

“’nay.. si Alexis po..” sagot ko..

Bumitiw siya sa hawak nya – na napag-alaman kong malaking Tupperware at sandok.. “ikaw talaga, Alexis ha! Manang mana ka sa ama mo!” singhal ni nanay..

Humigpit ang yakap ko sa kanya at naramdaman kong mabilis pa din ang hininga nya.. “nanay naman..”

“palagi kayong nanggugulat.. kapag ako inatake dito ha..”

“nay!” i exclaimed.. “naglalambing lang eh..”

“bakit ba naglalambing ang panganay kong babae? May kasalanan ka no?”

Napangiti ako ng mapait.. sa totoo lang, ang dami kong na-realize kagabi after kong isipin lahat ng mga ginagawa ko mula nung nagkita kami ni Kai hanggang ngayon.. at na-realize ko na ang dami dami ko na ngang kasalanan sa nanay at tatay ko.. palagi akong nag-si-sinungaling sa kanila at panay din ang takas ko para magkita lang kami ni Kai.. alam kong medyo nakakahalata si nanay sa ginagawa ko, pero ang pinagtataka ko lang eh bakit hindi nya ko pinipigilan..

Itatanong ko sana kung bakit ganun si nanay, pero naisip ko din na baka haka-haka ko lang pala un.. na hindi naman pala talaga nakakahalata si nanay at guni-guni ko lang pala un..

Baka mahuli pa ko, kaya pinili kong wag na lang itanong..

Yumakap ako kay nanay at hinalikan ko ang pisngi nito.. “sorry po, nay..”

Hinarap nya ko.. “dahil ginulat mo ko?” umiling siya at ngumiti.. “ok lang un, anak.. alam ko namang naglalambing ka lang..”

“hindi po – opo.. ah.. hindi po dun, nay..”

Kumunot ang noo nya.. “saan?”

I hugged her again.. “sa lahat po, nay.. sorry po sa lahat lahat..”

Natawa siya.. “give me one reason..”

“nanay naman.. whole sale na un, wag na retail..”

She chuckled.. “alright..” she caressed my hair.. “i know what you mean.. as long as kung saan ka sasaya at mabubuo ka ulit, susuportahan kita..”

Napakalas ako sa yakap ni nanay at tumingin ng gulat sa kanya.. “a-a-ano pong alam nyo?”

She just smiled.. “i’m your mother.. kahit utot mo, alam ko anak..” i knotted my eyebrows but she just smiled.. “aalis na ko..” hinarap nya ulit ung ulam na sinasalin nya sa Tupperware.. “dun kami magpapalipas ng gabi ng tatay mo sa bahay ng Kuya mo.. aalis kasi si Kuya mo at walang mag-a-alaga sa mga bata..”

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon