Chapter 29 - flashback part 2

404 14 1
                                    

 

Chapter

*Alex*

“Alexis, please!!”

 

Rinig kong sabi ni Kai sa labas ng gate namin.. malakas na malakas ang ulan sa labas pero rinig na rinig ko pa din ang sigaw ni Kai sa labas.. pasalamat siya’t wala dito sina nanay at tatay at walang nagpipigil sa kanyang mag-eskandalo sa labas..

 

“Alexis!! Mag-e-explain ako! Parang awa mo na!”

 

Napa-iling ako kahit na hindi nya ko nakikita.. nakasilip ako sa bintana ng kwarto ko at sa konting awang lang ng kurtina ko ako nakasilip sa kanya.. ayokong makita nya ko ngayon dahil baka kapag isang pagmamakaawa pa lang niya sa akin gamit ang mga mata nyang tititig sa akin, baka lumambot na naman ang puso ko..

 

“Alexis!! It’s only a deal, natalo lang ako sa usapan! Nothing happened! I know what you were thinking that day! Pero nothing happened, Alexis!!”

 

Walang nangyari? so, gagawin nya kong sinungaling sa nakita ko? Anong ginawa nila sa isa sa mga rooms na nandun? Nag-jack ‘en poy? Nothing happened?! Really??

 

“but you’re still lied to me, Kai.. sabi mo overtime sa office, pero...”

 

Umiling ako.. hindi ko napigilan ang paghikbi ko nang maalala ko na naman ang nakita ko nung nakaraang araw.. nakatanggap ako ng text mula kay Jessica at sinabi na wala lang daw ang nakita ko noon.. na part lang daw un ng deal nilang magba-barkada na pumasok sa isang room na nandun at magtagal ng 1 hour..

 

Takteng yan! Napaka-tagal ng 1 hour! Madaming pwedeng mangyari sa oras na un..

 

“Alexis.. don’t do this.. i love you! Let’s talk, please!!” sabay palo nya sa gate namin..

Nilapitan na siya ng guard namin.. “sir.. sir.. nakakahiya na po sa kapit-bahay.. umuwi na lang kayo..” rinig kong sabi

 

Hindi siya natinag.. nanatili siyang nakatanaw sa kwarto ko at basang-basa na siya sa ulan.. pinapayungan siya ni kuya guard, pero inaalis nya un at tumitingin pa din sa kwarto ko.. hindi siya umaalis sa pwesto nya at kahit hindi nya naman ako nakikita, pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin at nagmamakaawa..

 

hindi nya ko makukuha sa pa-ganyan ganyan nya.. kahit na isang araw na siya sa labas ng bahay namin, hindi pa din nya makukuha ang puso ko.. sawa na ko sa kakaintindi at pagpapatawad.. i deserve someone better than him, i know..

 

After that, pinaalis na siya ng tatay ko dahil dumating na sila the next day.. at alam ko ding after ilang araw, na-confine siya sa ospital dahil mataas daw ang lagnat nito at nag-convulsion siya.. kung hindi pa nga daw naagapan ay pwede siyang mamatay nun kung hindi lang nasugod ng kaibigan nya sa ospital..

 

Nag-worry ako, syempre.. kahit ganun ung ginawa nya sa akin, dahil pa din iyon sa akin at isa pa mahal ko pa din siya.. hindi naman kaagad agad mawawala ang pagmamahal ko sa kanya ng isang iglap lang.. nadagdagan nga lang ng galit ung nararamdaman ko sa kanya dahil apat na beses na niya kong niloko..

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon