Chapter 1 - still cares..

1.8K 31 3
                                    

Chapter 1

*Alex*

Pagkadilat na pagkadilat pa lang ng mga mata ko, puting kisame, Puting dingding, puting kurtina at puting kumot na agad ang unang nakita ko.. ah, alam ko na.. nasa ospital ako.. naalala ko din kung bakit nandito ako at kung paano ako napunta dito – at dahil un sa katangahan at pagkalutang ko..

-_-

Babatukan ko sana ang ulo ko nang hindi ko maiangat ang kaliwang braso ko.. napatingin ako doon at dahil pala un sa naka-sementong braso ko.. napahawak naman ako sa noo ko nang maramdaman kong hindi ko maikunot ang kilay ko dahil sa naka-bendang gauze dito..

Anong nangyari sa akin???

Pinadyak ko ung paa ko at napakamot na lang ako sa ulo dahil sa inis.. napa-iling ako.. ano na lang ang sasabihin nila nanay once na malaman nila ang bagay na ito..

“alam ko kung ano ang gagawin nila, at hindi ako makakapayag dun..” bulong ko sa sarili ko..

Gusto ko sanang iuntog ang ulo ko sa kama na to nang biglang may kumibot sa gilid ko na kung ano.. i looked at it at halos napatalon ako sa gulat nang malaman ko kung ano un.. no, sino.. at parang biglang nahaplos ang puso ko dahil ngayon ko lang ulit natitigan ang taong ito ng ganitong kalapit..

Napalunok ako.. “Kai..”

Nakahiga siya sa may spare bed sa gilid at nakahalukipkip ito habang medyo naghihilik pa.. hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pero napangiti pa ko nito.. ang peaceful ng mukha nya at parang hindi gumagawa ng kung anong kagaguhan.. parang hindi siya playboy and of course, badboy.. para siyang anghel.. i just missed this guy..

Napa-iling ako at napapikit bigla.. hindi.. hindi ko dapat maramdaman ang ganito.. mali ito, mali..

I sighed heavily at saka ako dumilat.. Inalis ko ang kumot sa katawan ko at dahan-dahan kong inilawit ang mga paa ko sa ibaba.. inabot ko sa gilid ung sandals ko, at isinuot ko un ng dahan-dahan saka ako bumaba ng kama papunta sa pinto.. aalis ako sa kwarto na to.. hindi ko naman sinabing aalis na talaga ko, pero gusto ko lang na umalis dito sa lugar na to at gusto ko muna dun sa hindi ko siya nakikita.. i closed the door behind me and i walked towards to.... i don’t know where am i going..

Hatak-hatak ko ung sabitan ng dextrose ko, habang palakad-lakad ako sa hallway nung ospital.. hindi ko nga alam kung saang ospital to, kaya hindi din ako makakaalis – kung babalakin kong takasan si Kai.. isa pa, naka-hospital gown pa ko at t-shirt ni Kai ung suot ko, kaya it’s a no..

oo, t-shirt nya ung suot ko dahil amoy pa lang nito, Kai na Kai na.. siguro napuno ng dugo ung damit ko kanina kaya pinalitan nya ito agad..

Pinalitan??

My eyes widened on that thought.. napayuko ako at tinignan ung damit na suot ko, at napalunok ako..

sino pa nga ba ang magbibihis sa akin, kundi siya lang.. i knew him.. much better if siya ang magbibihis sa akin, kaysa sa iba nya ko ipabihis.. i knew him!

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon