Chapter 14 - love..

814 20 2
                                    

Chapter 14

*Alex*

“paano ka po nakapasok, ate? At tsaka, bakit nandito ka po?”

Tanong sa akin nang batang kausap ko lang kanina sa phone, pero ngayon ay kaharap ko na.. nasa may tapat na ako ng pintuan nila at papasok na sana ako nang biglang sumulpot si Kyle harapan ko.. ang alam ko tulog na ung bata, pero nakita ko siyang lumabas galing sa kusina nila, kaya nagulat pa ko at napahawak sa dibdib ko..

“Kyle! Bakit gising ka pa?”

“chineck ko lang po si Kuya.. eh nauhaw po ako kaya pumunta po ako sa kitchen para uminom..”

Napatango ako.. “ah.. ok..”

Kung nagtataka kayo kung bakit nakapasok ako sa bahay nila, well.. binigyan ako ni Kai ng spare key sa bahay nila nung last week, kaya nakakapasok ako sa bahay nila..

“bakit ka po nandito, ate? Diba po nasa malayong lugar ka?” ulit pa nyang tanong..

Napahinga ako ng malalim.. “i was worried.. about your Kuya.. sayo na din baby.. iyak ka kasi ng iyak eh..”

Napakamot siya sa ulo nya.. “sorry po ate..”

“no, no, no.. it’s ok.. ahmm.. akyat na tayo? Ikaw matulog ka na, tapos ako, iche-check si Kuya ha?”

“pero sabi po ni kuya ayaw mo na daw po sa amin? Pero bakit nandito ka po?”

Lumakad ako patungo sa kanya at umupo ako para maabot ko ung level nya.. pinindot ko lang ung ilong nya at saka ngumiti..

“maybe, kay Kuya Kai.. pero sa baby Kyle ko, hindi..”

“bakit ayaw mo na po kay kuya? Hindi mo na po ba siya love?”

I sighed and then smiled.. “go to sleep, Kylie..”

“ate –”

“magagalit na si ate kapag hindi ka pa natulog..”

Nagkibit-balikat na lang siya.. “ok po.. pero bukas po ba ate, pagka-gising ko, nandito ka pa po?”

I nodded.. “nandito pa si ate..”

“yey!” impit na tili nya.. “sige po ate.. goodnight po! I love you..” sabay yakap nya ng mahigpit sa akin..

Niyakap ko siya pabalik.. “i love you too..”

Umakyat na kami kaagad at pumasok na siya sa kwarto nya and as soon as she closed her door, i walked towards the other door and opened it.. i sighed.. i saw him lying on the bed, with pale face and he still shaking.. i walked inside and sit beside him at nilagay ko ung likod ng kamay ko sa leeg nya..

“inaapoy ka na ng lagnat, nakuha mo pang pagalitan ang kapatid mo..” bulong ko..

He stirred and he opened his one eye.. “Get out!” sabi nyang bigla..

Napahinga na lang ako ng malalim at pinigaan ung towel sa may basin at inilagay sa noo nya.. iniwas pa nya ung noo nya sa inilalagay ko, pero pinilit ko pa ding ilagay un sa noo nya saka ko siya pinandilatan ng mata..

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon