Chapter 15 - no choice..

765 17 1
                                    

Chapter 15

*Alex*

“i still love you.. i really do..”

Napatigil ako sa pagkilos ko nang marinig kong sabihin sa akin ni Kai na mahal nya pa din ako.. hindi ko alam kung anong meron sa akin, pero parang nanlumo ako sa sinabi nya.. alam kong dapat na magalak ako dahil parehas pa din kami ng nararamdaman sa isa’t isa, pero hindi ko un naramdaman.. instead, takot at lungkot ang bumalot sa akin ngayon..

Napatingin ako sa mga mata nya at napag-alaman kong titig na titig pa din siya sa akin.. bigla siyang umiling..

“A-Alexis.. i-i mean.. bilang kaibigan.. bilang kaibigan lang..” he said..

I unconsciously nodded.. “a-ah.. o-ok..”

“don’t be angry..”

Umiling ako.. “hindi.. ok lang Kai.. ako din naman ganun din.. mahal ko kayo ng kapatid mo..” diretso kong sabi.. “kahit papano, naging mag-best friends tayo at hindi nawala sa atin un, hindi ba?”

He nodded.. “tama.. tama.. best friends..”

I smiled.. “o sya.. lilipat na ko dun sa kwarto ni Kyle.. inaantok na ko eh.. i’ll check you every now and then kung galing ka na o hindi..”

“no.. wag mo ng abalahin ang sarili mo sa akin.. alam kong pagaling na ko, kaya matulog ka na ng mahimbing.. ako na bahala sa sarili ko..” sabi nya and he smiled..

“you sure?”

He nodded.. “sure.. at tsaka nga pala, ako na bahala mag-explain sa tatay mo about this..”

“don’t worry, wala sila sa bahay.. hindi nila alam na nandito ako..”

Tumayo na ko at lalakad na sana patungo sa pintuan ng hawakan nyang bigla ung kamay ko.. napatingin ako sa kanya at ganun na lang ang tibok ng puso ko nang makita ko kung paano nya ko ngitian.. my heart melted at the same time, skipping crazily..

“thank you sa lahat, Alexis.. napaka-bait mo..”

I smiled back.. “you’re welcome..”

“tell me if you need anything, ako na bahala dun.. pambawi ko man lang sayo..”

I just nodded and stare at his face intently.. what is he doing to me? I know, wala naman siyang ginagawa, pero bakit ganito na lang kung tumibok ang puso ko sa kanya? Alam kong hindi nagbago o nabawasan ung nararamdaman ko sa kanya noon at hanggang ngayon, pero alam kong nadagdagan iyon..

Ng Takot..

he let my hand go at dun lang yata ako natauhan dahil nakatitig pa pala ko ng matagal sa kanya.. pinilit kong iliko ang katawan ko patungo dun sa pintuan dahil konting konti na lang ay bibigay na ko.. at nang makalabas naman ako, dun ko lang napagtanto na hindi na pala ako humihinga ng normal..

Sa talambuhay ko, dun lang yata ako kinabahan ng husto.. ung sinabi nyang mahal pa nya ako.. hindi talaga ako nakagalaw nun at para yata akong namutla.. at sa hindi ko din malamang dahilan, pati ang puso ko naguluhan na din.. tuluyan ng umahon dito ang matagal ko ng pinatay sa puso ko..

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon