Chapter 38 - at last

463 13 2
                                    

Chapter 38

*Alex*

Kinabukasan, nagising ako ng wala na sa tabi ko si Kai.. kami na lang ni King ang nasa kama.. gising na si King at hawak ung feeding bottle nya, at dumedede, pero nakatingin siya sa akin.. nung nakita nya kong dumilat na, bigla nyang inalis ang bote nya at sinabing..

“mama.. ung boy.. hug ako kanina..” sabi nya ng nauutal.. “nibigay nya ko dede-bote.. sabi nya, papa ko siya.. is he my papa?”

Nangiti ako.. hindi pa ko masyadong oriented sa paligid ko, pero iyon na kaagad ang bungad sa akin ng anak ko.. i remember na sinabi ko na sa kanya to kagabi, pero mukhang nakalimutan nya.. i just nodded and caressed his face..

“talaga, mama? Papa ko ung boy?”

I nodded.. “siya po ang papa mo, anak..”

“ah..” he nodded.. “kaya pala nibigay nya ko dede-bote..”

Kinurot ko na lang ng mahina ung pisngi nya dahil sa tuwa at gigil ko sa kanya.. napaka-bibo na nya kahit umaga pa lang, kaya sino ba naman ang hindi manggigigil sa batang ito..

Nadatnan ko si Kai at si tatay sa may veranda at parehas silang nagka-kape nung pababa ako.. nakaupo si tatay sa may railings habang si Kai ay naka-lean dun sa railings, katabi ni tatay, at nakatalikod sa gawi ko.. kaya si tatay lang ang nakakita sa akin nung bumaba ako.. sumenyas si tatay na umalis muna daw ako dahil seryoso daw ang usapan nila ni Kai.. he gestured that, without Kai knowing it..

Dun ako mas natatakot kay tatay, dahil alam kong umaga pa lang, gisado na si Kai..

Kaya naman dumiretso na ko sa kitchen at tinulungan si nanay na naghahain na pala ng almusal namin.. napansin siguro ni nanay ang pagiging balisa ko, kaya hindi nya natiis na tanungin ako..

“you scared, don’t you?”

I nodded.. “baka po kasi kung ano sabihin ni Kai kay tatay.. and vice versa..”

She just smiled.. “kanina pa sila jan, anak.. kung may hindi magandang usapan yang dalawa na yan, baka abutan ko yan sa lapag at nagsusuntukan na.. kilala mo ang tatay mo, basag-ulo..”

Dun pa lang sa sinabi ni nanay, parang nabunutan na ko ng tinik.. alam kong nagiging maayos na ang pagitan nila tatay at ni Kai base na din sa kwento ni nanay sa akin.. nadatnan daw niyang nagba-basketball ung dalawa sa may court kanina, sa tapat ng bahay namin, at kitang kita daw nya ang pandadaya ni tatay sa laro.. pero hindi daw un ininda ni Kai dahil kita daw nyang natatakot pa din si Kai sa kanya.. kaya ang ginagawa nya, kahit nadadaya na siya, hinahayaan na lang daw ni Kai si tatay at nagpaparaya..

Pero sa bandang huli, si Kai pa din daw ang panalo..

Napa-iling na lang ako habang si nanay at tawa ng tawa sa tabi ko.. mas delikado un, dahil natalo pa din ni Kai si tatay..

“alam mo anak.. natutuwa ako dahil alam kong maaayos na ang lahat.. nakausap ko ang tatay mo kagabi at sinabi nyang ayaw ka na nyang pahirapan.. nagawa lang naman daw nya itong lahat, dahil ayaw ka na nyang masaktan ulit.. gusto nyang sumaya ka, pero sa ibang lalaki.. hindi mo maiiwasan ang maging ganun ang tatay mo dahil naging saksi siya sa paghihirap mo sa lalaki na un..”

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon