Chapter 16 - Mary the great..

788 19 4
                                    

Chapter 16

*Alex*

“nakakaloka ka, bakla!!”

Pagkarinig ko pa lang ng sigaw ni Mary, nayuko kaagad ako sa arm chair ko at nalugmok.. katatapos lang ng klase namin, nang hatakin ko siya dito sa sulok ng room para mangumpisal muna sa kanya bago kami lumabas.. after i confessed, ayan na ang itsura ni Mary, hindi na maipinta.. alam ko naman eh.. nakakaloka nga naman talaga ko dahil sa mga ginawa ko nitong nagdaang araw.. actually, wala pa nga sa kalahati ung kinwento ko sa kanya, pero ganyan na kaagad ung reaksyon nya..

We can’t blame Mary.. ang alam nya kasi, lalayuan ko na ung magkapatid, but here i am, dun pa ko nang-galing sa kanila papasok ng school..

“bakla, don’t tell me gumawa kayo ng milagro dun?”

Napabangon akong bigla.. “milagro kaagad?” i exclaimed.. “hindi ba pwedeng nag-alaga muna sa may sakit?”

“sino may sakit?”

“si Kai..” i sighed.. “inalagaan ko lang siya, wala nang iba..”

“hindi nya kaya ang sarili nya?” mapangutsa nyang tanong..

Napahinga ulit ako ng malalim.. “i....think?”

“how did you know na may sakit siya?”

“kay Kyle.. Kyle called me last night at sinabi na nagde-deliryo na ung kapatid nya.. iyak nga ng iyak ung bata dahil hindi mapakali sa kuya nya, kaya pinuntahan ko na.. kawawa naman ung bata dahil hindi makatulog sa pag-aalala kay Kai..”

Napapalatak siya at napa-iling.. kinuha lang nya sa mesa ko ung hindi ko pa nagagalaw na chicken sandwhich ko at kinagatan iyon.. tumingin siya ulit sa mukha ko at napa-iling ulit.. huminga na lang ako ng malalim..

“si Kyle lang ba talaga ang dahilan, bakla?” tanong nya habang nakataas ang isang kilay nya..

Nagkibit-balikat na lang ako.. “i don’t know..”

She sighed.. “alam mo yang kabaitan mo, bakla..” bigla nyang sabi.. “yan ang unti-unting maghahatak sayo pabalik sa nakaraan..” pagpapatuloy nya..

Napatingin ako ng gulat sa kanya.. “ha?”

“may purpose siguro kung bakit kasama si Kyle sa buhay nyong dalawa ni Kai..”

Napakunot noo ako.. “what are you talking about?”

She sighed again.. “maawain ka kasi eh.. sabagay, hindi mo talaga matitiis ung bata na un, dahil somehow, ikaw din ang nagpalaki dun.. pero dahil sa koneksyon mo kay bulinggit, yan ang maghahatak sayo sa nakaraan.. look at you, you promised to yourself na lalayuan mo na si Kai, pero isang tawag lang sayo ni bulinggit, nandun ka na kaagad..”

“eh bakla, matitiis mo ba ung batang umiiyak dahil hindi alam kung ano gagawin nya sa kuya nya at wala nang ibang tatakbuhan kundi ako lang?”

“i got that point, bakla.. ok, sige, nanjan na tayo.. pero bakla.. si Kyle lang ba talaga?”

Napayuko ako.. Here she goes again.. alam ko naman na may gusto siyang ipalabas sa pinag-uusapan namin ngayon eh, pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya un agad-agad.. i know, maling mali ang nararamdaman ko kay Kai ulit, pero hindi ko mapigilan..

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon