Chapter 30 - flashback part 3

442 15 4
                                    

Chapter

*Alex*

Nakarinig ako ng isang malakas na sigaw ng isang lalaki kaya nagising ako.. idinilat ko ang mga mata ko pero biglang sumakit ng husto ang ulo ko, kaya napapikit akong muli.. pumipikit pitik ang sentido ko nang tumatayo ako at tumingin ako sa paligid.. hindi ito ang kwarto ko.. kulay itim at puti ito samantalang pdilaw ang kulay ng kwarto ko.. iba din ang mga gamit sa loob nito kaya agad akong kinabahan.. nilamig ako nang bumagsak ang kumot na bumabalot sa katawan ko at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko dahil nakita kong ung panloob ko na lang ang suot ko..

 

“sh*t!! Where am i??” bulong ko sa sarili ko..

 

Inilibot ko ang tingin ko at nasa iisang kwarto ako ng lalaki – base na din sa disenyo ng kwartong to.. inihip kaagad ako ng kaba sa dibdib dahil hindi na maganda ang nakikita ko.. napalunok ako at napatingin bigla sa may pintuan kung saan may sumigaw ulit..

 

“T*ang*na mo, ilabas mo si Alexis!!”

 

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang marinig ko kung sino ang sumisigaw na un..

 

“papasukin mo ko!! T*rant*do ka! walangh*ya ka, Jason!! T*ngna mo!!”

 

At ganun na lang ang pagkabigla ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at lulan nun ay si Kai na gulo-gulo ang damit at basa ito ng pawis sa may bandang dibdib, magulo ang buhok, at kita ang pagkamuhi sa nakita nyang itsura ko base sa mukha nya..

 

Napahinto siya at napa-awang bibig dahil sa gulat.. nalipat ang tingin ko sa likuran nya nang may magsalita at laking gulat ko na si Jason iyon..

 

“i told you, Kaine Daniel.. we’re together now.. she don’t love you anymore.. we even slept together..”

Tinignan nya ko sa mga mata.. “Pinapunta mo ko para dito, Jason?! Anong gusto mong palabasin, ha?! T*rant*do ka!!”

 

Pakiramdam ko, parang ako ung minumura nya, kahit si Jason ung kausap nya.. gusto kong yumuko at magtago na lang sa galit ni Kai, pero hindi ko magawa dahil parang napako ang tingin ko sa kanya..

 

“i told you, hindi ka na mahal ni Alexis.. nagawa pa nga nyang sumama sa akin kagabi! Wala ka ng pakielam sa kanya, Kai.. ako na ang mahal nya..”

Napasinghap ako.. “What?!”

 

Nanlamig akong bigla ng biglang nalipat ang tingin ni Kai kay Jason.. tinulak nya ng malakas si Jason at tsaka binugbog na parang wala ng bukas.. napasigaw ako dahil alam kong wala nang makakapigil kay Kai.. lumalaban si Jason sa kanya, pero hindi nya pa din magawang depensahan ang sarili nya dahil mabilis at nangangalit ang mga suntok ni Kai sa kanya.. napahiga si Jason sa sahig at dun na nakakuha ng tyempo si Kai para puruhin pa siya ng suntok sa mukha..

 

“Kai, Enough!!” sigaw ko..

 

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon