Chapter 18 - before..

635 19 2
                                    

Chapter 18

*Alex*

*Flashback*

Halos mag-a-alas onse na ng gabi, pero nandito pa din ako sa bahay namin at nakaupo sa labas, dahil hinihintay ko si Kai.. susunduin nya daw kasi ako, dahil isasama nya daw ako sa outing nila ng kabarkada nya – which is sa laguna lang.. over night swimming, at kasama ko si Mary kaya pinayagan ako nila tatay at nanay..

 

Pero halos mamuti na ang mata ko, at makatulog na si Mary sa sofa namin, ay hindi pa din siya dumadating..kating kati na kong malaman kung bakit wala pa siya.. hindi ko malaman kung may nangyari bang hindi maganda o ano.. nag-aalala na ko, pero at the same time, nag-u-umpisa nang uminit ang ulo ko..

 

i reached for my phone and dialled his number again, and  after how many rings, napupunta na naman lahat sa voice mail..

 

I typed.. “where are you?!” 20 times, at “tuloy pa ba? O hindi na? May nangyari ba?” for about a hundred times, pero hind pa din siya sumasagot.. napang-gigilan ko tuloy ung phone ko sa inis ko, at muntikan ko nang masira ung screen..

 

“bakla.. ano, wala pa ba?”

Napatingin ako kay Mary na nagising yata dahil sa impit na sigaw ko.. umiling ako sa kanya.. “di na yata tuloy, bakla..” sagot ko..

Napa-irap siya.. “bakla.. sana man lang, sabihan ka ng jowa mo kung tuloy o hindi no?” napa-irap ulit siya.. “bwiset siya.. pag-hintayin daw ba tayo??”

“nag-aalala na nga ko, bakla eh.. baka may nangyaring hindi maganda..”

“if i know, baka inindian ka na naman nun!”

Umiling ako.. “sana naman, bakla, hindi..”

“naku! Tatamaan talaga sa akin yang si Kai ah.. kahit gwapo siya..”

 

Saktong pagkatapos niyang maglintanya sa akin, biglang tumunog ung phone ko at nakita kong galing iyon kay Kai.. dali-dali kong kinuha ung phone ko, at kahit papano, dun sa text nya na un ay gumaan ang loob ko at nawala bahagya ung pagka-badtrip ko, dahil alam kong makaka-usap ko na siya..

 

I smiled..

 

“bakla.. nag-text na si Kai.. be ready.. baka paalis na tayo..”sabi k okay Mary..

Nag-make face siya.. “whatever..”

 

Saka lang siya pumasok sa loob.. humarap na ko sa phone ko at binuksan ung message nya.. at ganun na lang ang pagkabagsak ng balikat ko dahil sa reply nya – o reply ng iba?

 

“Kai’s not here po.. bumili lang sila ng drinks ni Jun sa labas..”

 

Biglang tumaas ang presyon ko at pakiramdam ko ay umuusok na ang ilong at tenga ko dahil sa reply na un.. at obvious namang hindi si Kai ung nag-text dahil lumabas nga sila ni Jun sa hindi ko malamang lugar.. AT OBVIOUS DIN NA BABAE UNG NAG-TEXT DAHIL ANG LANDI NG PAGKAKA-TEXT NYA!

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon