Chapter 23 - madaya..

533 19 0
                                    

Chapter 23

*Alex*

Hindi ko alam kung bakit ngayon pa naisipang pumasok nung prof namin after nyang magpa-seatwork lang sa oras nya.. sinayang lang nya ung pamasahe ng mga classmates ko at ung gasolina ni tatay, dahil 30 mins lang yata kami nag-klase.. mabilis na discussion lang at saka quiz tapos uwian na daw..

Medyo tamad diba?

sino ba naman kasing sisipaging pumasok kung 6 to 7 ng gabi lang ung time nya.. tapos wala pa yatang 6:30, dismiss na..

Kahit nga kami, tamad na tamad na sa klase nya eh.. -_-

Pero pabor sa akin un, dahil maihahatid ko pa si Kai at Kyle sa bahay nila..

Madi-discharge na kasi siya ngayon gabi, dahil healed na daw siya.. Thank God, dahil sawa na din akong magpabalik balik sa ospital at halos hindi na ko nakakauwi sa bahay namin.. mabuti na nga lang at hindi nagagalit si tatay sa mga pinaggagagawa ko, at naiintindihan naman daw nya dahil nga sa sitwasyon ni Kai ngayon..

Isa pa, siya pa ung nag-aasikaso about dun sa mga nambubugbog kay Kai kaya nakakatuwa.. alam kong ok na si Kai sa tatay ko – kahit alam kong galit pa din si tatay sa kanya..

Maswerte talaga ako sa tatay ko!

“bakla..”

Napa-angat ang tingin ko sa taong nasa harap ko – at si Mary lang naman un – habang nagliligpit ako ng gamit ko.. nakatingin siya sa akin at nakataas ang kilay habang ningunguso ung nasa katabing desk ko..

“deadma ang flowers?” hirit pa nya..

Tumingin ako saglit sa flowers na sinasabi nya, saka ako nagpatuloy.. “hindi naman para sa akin yan..”

“hindi nga para sayo yan ngayon, dahil inalis mo sa desk mo.. pero kanina, sayo pa yan..” naupo siya sa harapan ko.. “may admirer ka na naman, bakla!” tili nya..

Napa-irap ako.. “bakla, may Kai na ko..”

Napasimangot siya.. “alam ko.. ang gusto ko lang eh iuwi mo yang isang bouquet na red roses na yan dahil sayang..”

“gusto mo sayo na lang..”

“bakla naman! Ang mahal kaya ng isang bouquet..” kinuha nya ung flowers at may hinahanap.. “ni hindi mo pa nga tinitignan kung sino nagpadala..”

Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ung ginagawa ko.. wala naman talaga akong pakielam sa bulaklak na yan, dahil ayokong mag-entertain ng ‘admirer’ ngayon.. seloso kasi si Kai at alam kong hahanpin nya ung taong nagbigay sa akin nun kapag nalaman nyang may ganyan akong natanggap ngayon..

pero bigla na lang akong napitlag ng biglang tumili si Mary at napamura pa.. nilingon ko siyang bigla at hinarap siya..

“bakit, bakla?” tanong ko..

“puchat, bakla! Kay Jason galing to ah..” siningkitan nya ko ng mata.. “bakla, may koneksyon pa ba kayo ng tadong to?!” galit nyang tanong..

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon