Chapter 26 - vacation 1

478 16 4
                                    

Chapter 26

*Alex*

Nangati bigla ang ilong ko nang maramdaman kong may parang gumugulo sa tahimik kong ilong at sa payapa kong tulog.. kinamot ko un at saka bumalik ulit sa tulog ko, nang maramdaman ko na naman ung kiliti na un sa ilong ko.. di nagtagal ay nagising na ko at bumahing ng pagkalakas lakas, dahil nangati na ng husto ang ilong ko..

Idinilat ko ang mata ko, at nakita ko ang mukha ni Kai sa harapan ko na nakapikit at parang diring diri ang itsura.. napakunot-noo ako..

“Kai?” dinutdot ko ung noo nya.. “what are you doing?”

He opened his eyes and looked at me.. “bless you, mahal..” sabay hilamos ng kamay nya sa mukha nya.. “salamat sa laway..”

“ha?” hindi pa ko oriented sa paligid ko, dahil half-awake pa lang ang peg ko..

He looked at me.. “mahal.. inat-chingan mo ko..”

Napa-‘ah’ ako at nagpigil ng tawa.. “sorry..” i bit my lip.. “nangangati kasi ilong ko..”

“kung alam ko lang edi sana hindi ko na lang ginawa..”

“ang alin?”

Itinaas nya ung hawak nyang chicken feather sa harap ko at nagets ko na kaagad ung ibig nyang sabihin dun.. kinikiliti nya un sa ilong ko at gusto kong magalit sana, kaya lang ay nabahingan ko na siya, kaya wag na lang..

Nakabawi naman ako..

Ngayon ko din na-realize na nakakulong pala ko sa magkabilang siko nyang nakatukod sa gilid ko kaya hindi ako makagalaw.. tumingin lang ako sa kanya nun at ginalaw ko ng kaunti ung braso ko para alisin nya ung braso nya..

“alis..” sabi ko..

Umiling siya.. “what do you want to do today?”

Nagkibit-balikat ako.. “i don’t know..”

“may malapit na beach dito.. puntahan natin?”

Umilaw yata ang ulo ko at bigla yatang naexcite.. “sige!” sabi ko ng parang naeexcite na bata..

“in one condition..”

“what?”

Ngumuso siya.. “good morning kiss ko?”

I just smiled.. “oo nga pala..” i kissed his cheeks.. “o ayan na.. lika ka na.. alis na tayo..” bumangon na ko, pero hindi pa din siya natinag..

“lips..” he commanded..

“hindi pa ko nagtoo-toothbrush..” sabi ko..

“i dont mind..”

Napa-irap ako.. “Kai..”

“dali na..”

I sighed.. wala naman akong magagawa kundi pagbigyan siya sa gusto nya kasi hindi naman ako makawala sa kanya.. hindi ako makakabangon dito, dahil nakakulong ako sa mga bisig nya.. isa pa, gusto ko din naman kaya choosy pa ba ko?

Napangiti ako..

iniangat ko ang ulo ko at nagulat na lang ako ng salubungin nya ang pag-angat ng ulo ko kaya nadiin ako sa unan ko dahil sa halik nya.. natatawa siyang hinahalikan ako dahil gulat na gulat ang itsura ko habang nakadiin ang labi nya sa labi ko.. humiwalay siya sa akin na natatawa pa din kaya pinalo ko na ung likod nya..

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon