Chapter 1

58.7K 1K 68
                                    

Chapter 1: Getting Married

"Good morning, sunshine!" masigla kong bati sa sikat ng araw.

Marahas kong inalis ang comforter na nakabalot sa katawan ko't bumaba ng kama. Maliit akong tumalon-talon habang papalapit sa banyo ko upang mag-hilamos.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na rin ako agad upang mag-almusal. Napangiti ako nang makitang kahahanda pa lang ni manang ng almusalan sa mahabang hapag. So meaning, makakasabay ko sila Mommy na kumain!

"Good morning, Manang!" Hindi mawala-wala sa labi ko ang malawak na ngiti dahil sa lubos na kasiyahan.

Sa wakas, makakasabay ko na ulit sa pagkain ang pamilya ko. Hindi kasi nila ako pinasasabay sa kanila. Ilang taon na rin.

"Magandang umaga rin," magiliw naman na bati pabalik ni Manang.

Umupo ako sa aking upuan at inabot ang Milo na ibinigay ni Manang. Sumimsim ako sa milo ko habang tinitingin ang mga pagkaing nasa harapan ko.

"I told you to ask her first." Boses ni Mommy.

Binaba ko ang mug at nilingon sila. Pasok na rin sila sa dinning. Inirapan ako ni Michelle, ang bunso kong kapatid, nang ngitian ko. Binigyan naman ako ng tipid na ngiti ni Daddy.

Thank you God! Pinapansin na ulit nila ako! Parang gusto kong maiyak dahil sa tuwa.

Tumayo ako at lumapit kay Mommy at Daddy. Binigyan ko sila ng halik sa pisngi. Lumawak ang ngiti ko dahil hindi nila ako tinabig 'tulad ng karaniwang ginagawa nila.

"G-good morning po sa inyo!" Masyadong mabilis ang pintig ng puso ko kaya hindi ko naiwasang ma-utal.

Hindi sila umimik, dumiretso lang sa upuan nila. Nakangiti kong inabot ang bacon at hotdog matapos kong bumalik sa upuan ko. Nasa harap ko si Mommy, na katabi naman si Michelle. Si Daddy ay nasa center table.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," pagsasalita ni Daddy matapos ang mahabang katahimikan.

Tumigil ako sa paghiwa ng hotdog at sa pag-nguya at tumingin kay Daddy, na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Naghintay ako sa nais niyang sabihin habang sila Mommy ay nakikita ko sa peripheral vision ko na sa akin rin nakatingin.

Bumuntong-hininga si Daddy at marahang tumikhim. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang kumalabog ang dibdib ko.

"Since you're already 26, at may alam na sa buhay," ani Dad, diretso ang tingin sa akin. "Kailangan mo nang makasal."

Nalaglag ang panga ko't hindi agad nakagalaw.

"I told you to ask her first, Minandro!" pigil na galit ni Mommy.

"Bakit pa, Mom? Tama naman si Dad, e. Nasa tamang edad na 'yang si Jimelle kaya wala ng problema kung ipakasal na siya," singit ni Michelle.

Nananatiling nakatikom ang bibig ko.

"S-sandali…" tanging lumabas sa bibig ko.

Hindi ma-proseso ng utak ko ang mga sinabi nila. Nakapagtapos ako ng college ng iisa lang ang naging boyfriend, at dahil sa panlolokong ginawa niya sa akin ay hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon sa mga manliligaw ko. Pagkatapos heto, bigla-bigla akong itatali sa iba na hindi ko man lang kilala?!

"I think... mali, Dad," usal ko at muling binalik ang tingin sa kaniya.

"No, my decision is final. Whether you like it or not," pinal na sinabi ni Dad saka tumayo. "So ready yourself, Jimelle Reign. Next week is your wedding day," dagdag niya bago lumabas ng dinning.

Natulala ako sa plato ko. Hindi ako nag-angat pa ng tingin kay Mommy nang tumayo ito upang sundan si Dad.

Gusto kong umiyak. Ang hina ko, ni hindi ko naipagtanggol ang sarili ko. Totoo nga siguro ang palaging sinasabi sa akin ni Michelle, na wala naman akong kwentang anak.

Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)Where stories live. Discover now