R-18
Chapter 14: Deeper and Harder
"Ma'am…"
Bahid ang gulat kay Roberto nang makita akong bumaba ng sasakyan.
Kinalma ko ang sarili ko. Binigay ko ang susi ng sasakyan ni Danrick kay Roberto. Inutos ko sa kaniya na ibalik 'yon, bago ako pumasok sa loob.
Habang nasa daan ako, hindi ako matigil sa kaiisip sa kung hanggang ngayon ba ay narito sa mansion si Veanzee at Reybien, at kung anong ginagawa nila. Nakapag-isip isip din ako na mali kung gagawin ko ang nais ni Brandon.
Hindi ako mamamatay tao. I'm not a bad person like him.
"Magandang gabi sa inyo." Bati ng dalawang guwardiya.
Pagpasok ko sa sala ay naabutan ko ang ilang kasambahay. Ramdam ko ang tila pagkataranta nila. Pero um-akto lang akong normal.
My chest throbbed. Dumiretso ako sa hagdan. May nadatnan akong isang kasambahay nang marating ko ang second floor.
"Alas diyes na, bakit gising pa kayo?" tahimik na tanong ko.
"Magandang gabi, Ma'am. Tatawagin ko na po ang dalawa sa baba para makapagpahinga na."
Marahan akong tumango. "Sige."
Dideretso na ako sa master's bedroom nang marinig ko ang naghahagikhikan sa kwartong nadaanan. Nakaawang ang pinto ng kwartong dating tinutuluyan ko. Lumapit ako nang hindi naglilikha ng ingay.
"Spell 'mississippi'," boses ng pamilyar na babae.
"Miss may pp ata, Miss Veanzee, ang ibig ninyong sabihin! Pinataray niyo lang, eh!" Malakas ang boses na 'yon ni China.
Sumunod ay ang malakas na halakhakan ang narinig ko.
Ang saya nila. Ang saya-saya…
"Oh my god! That's gross, Chi!"
"Bagsak na nga sa 1% ang utak niyan, puro pa kabastusan ang alam," dinig kong sinabi ni Rosie.
Malakas ulit ang naging tawanan nila. Ang bigat sa dibdib. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako gumawa ng ingay habang marahang nilalakihan ang bukas ng pinto.
Sa pagbukas ng pinto ay nalanghap ko ang pabangong ilang araw ko ring hindi naaamoy. My eyes widened when someone already standing in front of me. Sa tindig at pajamang suot pa lang ay kilalang-kilala ko na!
“Love, mamaya na tayo matulog–"
Hindi natuloy ni Veanzee ang sasabihin nang malingunan si Reybien na nasa harap ko.
Hindi ko nagawang balingan ng tingin si Reybien dahil sa babaeng nakakunot ang noo habang nakatingin sa amin. She's beautiful. Mas maganda siya sa personal kaysa sa video. Tumayo si Veanzee at lumakad palapit sa amin ni Reybien. Napatingin na rin sina Rosie. Their eyes widened. Hindi ko maintindihan kung bakit gulat na gulat sila ng nakita ako.
Bumaba ang tingin ko sa kamay ng babae na humawak sa braso ni Reybien. He didn't even bother to remove it.
"Let's go to our room," saad ni Reybien.
I know, it's for Veanzee. Nandito na ako sa harap nila but still…I'm nothing. Tumabi ako para makadaan silang dalawa. I couldn't process any words to say. Natatameme ako sa bigat ng dibdib.
"Nandito kana pala. Hindi mo naman sinabi sa'kin na may dala kang bisita…" mahinang usal ko. Hindi ko siya matingnan sa mga mata.
Ang bigat-bigat sa dibdib. Ginagago na pala ako habang nakatalikod ako.
YOU ARE READING
Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)
RomanceHIDING SERIES #1: complete (No portrayer intended) She is beautiful, famous, flirtatious, and admired by some of the people everywhere in the world. Pero ang mga taong 'yan ay natalikuran niya matapos niyang malaman ang isang nakatagong katutuhanan...