Chapter 15

30.3K 612 70
                                    

Chapter 15: Banana and vinegar 


Alas dyes ng umaga na kami ni Reybien nang nakabalik sa mansion. Rosie looked at us teasingly at ngiti namang naglalaro sa labi ni Roberto. Si China naman ay puno ng pagtataka ang buong mukha. 

"Can you walk properly?" My whole face turned red when Reybien asked me that. At alam kong narinig rin 'yon nila Rosie. 

"O-oo..." Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Pansin kong wala ang ibang kasambahay. Hindi ko rin nakikita si Veanzee. 

Umakyat na si Reybien sa taas, ako ay nagpaiwan dahil may mga itatanong ako kina Rosie. Pansin ko kasi na parang wala lang sa kanila 'yong nangyaring ingay kagabi.

"Ano, ma'am? Successful ba? Nasarapan ba si sir?" mahinang pagtatanong ni Rosie nang lumapit sa akin. 

Parang inaapoy na ang buong mukha ko sa sinabi niya. 

"H-ha?"

"'Yon pong barbeque niyo, kung nasarapan ba si sir." 

Sh*t akala ko kung ano. 

"O-oo naman...." sagot ko kahit hindi naman kinain ni Reybien ang barbeque na tinutukoy niya, kun 'di ang barbeque ko ang kinain. Tinuhog pa nga. 

Aish! 

Napatingin ako muli sa paligid. Bakit gano'n? Parang walang nangyari sa mansion? Walang magulo o nasira. Sigurado naman akong dito nanggaling ang kaguluhan kagabi, ah. 

"Ma'am, may problema ho ba?" Napalingon ako kay Rosie. 

"Nasaan ang ibang maid?" 

"Ho? Ah.... Umalis na ho sila, eh. Pero mamaya lang ho ay darating ang mga bagong kinuha namin ni Roberto," ani nito. 

Bakit parang gano'n na lang sila kabilis na umalis? At sabay-sabay pa.

I looked at the front door when I heard a voice coming from there, next was an annoying heel sound on the marble floor.

"Nandito ba si baby Reybien ko?" 

Si Veanzee. 

Tumayo na ako.

"Nasa library niya, miss Veanzee," sinabi ni Roberto. 

Pagkalabas ko ng dining ay hindi nga ako nagkakamali. It's Veanzee, wearing a black fitted dress that could see her panty at ang makamatay niyang red heals. Ayos na ayos ito. 

"Thank you."

Nang mapaligon siya sa kinaroroonan ko ay nawala ang ngiti nito. Nagngitngitan ang mga ngipin niya habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. 

Napangisi ako. 

"Kumusta, Veanzee? Kumusta naman ang effort mo kahapon, nasuklian ba?" mapang-asar kong sinabi. 

Tumayo ito ng tuwid saka ngumiti sa akin. Kahit na gano'n siya kagandang ngumiti ay hindi pa rin no'n napapawi ang galit sa kaniyang mukha. 

"Okay lang naman, hindi pa naman doon nagtatapos ang lahat." Humakbang siya ng ilang beses hanggang sa mas maglakalapit kami. "Ngayon pa lang ako magsisimula, Jimelle.... Ngayon pa lang." Binigyan pa ako nito ng matalim na ngisi bago ako talikuran at umakyat sa taas. 

At ano'ng karapatan niyang umakyat sa taas nang walang pahintulot ko? 

Bago pa man siya makaakyat ay sumundo ako agad para pigilan siya. Hindi niya ito pamamahay. Ni hindi man lang nga yata alam ni Reybien na darating si Veanzee dito. 

Bago ko pa man maabot ang balikat ni Veanzee ay marahas siyang humarap sa akin. Sa biglaan nitong pagharap ay bahagya akong napaatras. Kaya ko pa sanang magbalanse ngunit nang itulak ako nito ay nawalan na ako ng balanse. 

Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)Where stories live. Discover now