Note: This is the last chapter! Next is the epilogue, the male lead's point of view (Reybien's Pov) See youuuu!
Thank you for supporting the story!
Chapter 27: Blue Apple
China is the kindest person I've ever met. I will never forget her sacrifices for my family. I love her so much.
She's now resting in peace…with her family.
Ang katutuhanan na nagbibigay kalungkutan sa mansion. Ilang beses ko pang nadatnan si Rosie na tahimik na umiiyak habang binibigkas ang pangalan ni China.
It's been a year. Nagdudulot parin ng bigat si dibdib namin ang pagkawala ni China.
"Okay kana ba?" tanong ni Reybien sa akin nang silipin ako sa maliit na siwang ng pinto.
Sa repleksyon ng salamin sa harapan ko, ko siya tinanguan.
"Si Reinzel?"
"He's downstairs waiting for us."
Tumango ako. Umalis ako sa kinatatayuan upang lumabas na. Gumapang agad sa baywang ko ang braso niya. He planted a soft kisses on the top of my head.
Pupunta kami sa bahay nila Mommy ngayong araw. Kararating lang namin kahapon galing States. We stayed there while Reinzel is under medical.
Tinakbo namin si Reinzel sa ibang bansa upang ma-operahan matapos ang nangyari. Pinalitan namin ng healthy-ng puso ang puso niya. At kung hindi namin 'yon ginawa agad... baka... pati siya, ang anak namin... ay iniwan na rin kami.
Hindi ko sinunod ang kahilingan ni China, na ang puso niya ang ibigay kay Reinzel. I will never do not to her. She saved me. Malaking bagay na 'yon, hindi na mapapantayan ng kahit na ano. And Reinzel will never like it either.
"Mom, where's Tita Chi?"
Tanong ni Reinzel sa akin nang magising siya, bago namin dalhin sa ibang bansa.
"How are you feeling, anak?" Sinubukan kong ilayo ang pag-uusap sa tinatanong niya, pero hindi niya ako sinang-ayunan.
He wanted to talk about it.
"I-Is she alright?"
Nasagot siya ng katahimikan ko. Naging dahilan 'yon ng panghihina pa niya kaya kailan man ay hindi na namin iyon pinag-usapan pa. Kahapon lang. Sa puntod ni China kami dumiretso pagkalapag ng eroplano.
"Your Lola and Lolo are excited to see you," ani Reybien sa anak nang lapitan namin.
Kasama namin si Lola, hinatid na siya nila Rosie sa sasakyan.
Binuhat ni Reybien ang anak. Kahit medyo malaki-laki na at mabigat na ay gustong-gusto pa rin niyang binubuhat ang anak. Reinzel liked it though.
Lumabas na kami para tunguhin ang sasakyan. Habang naglalakad, nasa baywang ko ang isang kamay ni Reybien habang ang isa ay walang kahirap-hirap na buhat-buhat si Reinzel.
Sa ilang buwan namin sa States, hindi kami nagkaroon ng pamilya ko na mag-usap. Nakatutok ang buong atensyon namin sa pagpapa-opera kay Reinzel.
I'm excited to see them, too. Matagal-tagal ko na rin silang hindi nakikita at nakakasama, puro video call lang.
"Hindi kita tunay na anak, Jimelle."
Tila nahulog ang puso ko sa bungad na 'yon ni Mommy matapos ang dinner namin. Dahil sa rebelasyon na 'yon ay hindi ko nagawang tumagal sa bahay nila.
Inaya ko na ang mag-ama kong umuwi, maliban kay Lola na nagpaiwan.
Hindi ako nakapaghanda sa sasabihin nilang 'yon. Alam nila, maliban sa akin...
YOU ARE READING
Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)
RomanceHIDING SERIES #1: complete (No portrayer intended) She is beautiful, famous, flirtatious, and admired by some of the people everywhere in the world. Pero ang mga taong 'yan ay natalikuran niya matapos niyang malaman ang isang nakatagong katutuhanan...