Chapter 23

30.1K 721 184
                                    

Chapter 23: Mommy

"Pa'no mo nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko kay Denzel gamit ang mababang boses. 

Nilingon ko ang tatlo na nasa dining. Nasa sala kaming dalawa ngayon. Pinauna ko na ang tatlo sa dining para kausapin itong si Denzel. Napapalingon lingon din dito si Danrick. 

"Hindi mo ba ako pakakainin?" Nginuso nito ang kusina kung saan nagsasalo-salo ang tatlo, may ngisi pa rin sa labi. "Come on, while Reybien hasn't been looking for me yet."

I did not move. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang sadya niya rito.

"Sige ka, kapag tumawag 'yun... Hindi ako magdadalawang isip na sabihing nandito ako oras na tanungin niya ako."

Nanlaki ang mga mata ko. Umahon ang kaba sa dibdib ko. Lalo na nang lumawak pa ang ngisi niya, tila ba natutuwa pa sa reaksyon ko. Napasinghap ako at inaya na lang siya sa kusina. Nang makapasok kami ay nahagip pa ng mata ko kung paano sila nagkatitigan ni Danrick. Matunog na ngumisi si Denzel bago iiling-iling na kumuha ng plato at nagsimula na ring kumuha ng pagkain. 

Danrick approached me. I felt his gentle touch on my waist so I looked up at him.

"Can I stay one night here?" he asked in a low voice and glanced slightly at Denz. Napatingin din ako. Nakatingin ito sa pagkaing kinukuha niya pero malawak ang ngisi. Nasa amin siguro ang pandinig niya.

"May...problema ba sa condo mo?" 

He sighed and removed his hand from my waist. He stepped back.

"Nothing..." He understood that he can't stay here. "I'm sorry, I just wanted to be with Reinzel all night."

"Tss. Galing um-acting..." dinig naming sinabi ni Denzel. Napatingin din siya sa amin at ngumisi kay Danrick. "'Yung artista na nabalitang nasa ospital, magaling um-acting. Makakabalik na raw ulit sa tv," aniya sabay sulyap sa amin. 

Si Jane. 

Tinubuan ulit ako ng guilt. That's how long she was in the hospital...because of me. Bukas na bukas, dadalawin ko siya. Hindi ko na masisikmura pa kung hindi kami maayos. Gusto ko siyang kumustahin. Miss ko na siya at gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko. 

Natapos ang kainan na 'yun ng tahimik. Hindi naman gumawa ng gulo si Denzel, na lihim kong ipinagpasalamat sa kaniya. Nang nagpuntahan sila sa sala ay sumunod na rin ako. Hindi na nagtagal pa si Denzel, nagpaalam na rin kalaunan. Hinatid ko siya sa labas ng gate.

"Salamat sa pagpunta. Sa pagbigay mo rin ng regalo kay Reinzel..." 

He nodded and stared at me seriously. Nailang naman ako kaya napayuko ako nang bahagya. 

"Okay, I won't force you. But I'm telling you, Jimelle," I looked up at him. "Once Reybien finds out that I've been here... I'll tell him the truth, dahil pagbali-baliktarin mo man ang mundo, he has the right to know," he said seriously.

Sumusuuko akong tumango-tango. 

Hanggang sa makaalis na ang sasakyan ni Denzel sa harapan ko ay hindi ako agad nakabalik sa loob. Bumuntong-hininga ako at pumihit na papasok. 

"Ano'ng sinabi niya sa'yo?" si Danrick na kalalabas lang ng gate. 

Tipid ko siyang nginitian at inilingan lang. 

"Tinakot ka ba niya? Pinipilit ka ba niya na bumalik na at ipakilala na si Reinzel kay Reybien?" 

"Hindi naman, Dan." Naglakad na ako papasok, sumunod naman siya. 

Bago kami makapasok sa loob ng bahay ay muli ko siyang hinarap. 

"Uuwi na rin ako, magpapaalam lang kay Reinzel," saad nito. 

Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)Where stories live. Discover now