Chapter 16

29.8K 692 62
                                    

Chapter 16: Lost



Napatingin ako sa hawak-hawak ng kaliwa niyang kamay. She held it up so I could see it more clearly. Nanlaki ang mga mata ko nang luminaw iyon sa paningin ko. I couldn't move. Para akong pinako sa kinatatayuan ko habang hinihigop naman ng sahig ang hangin ko sa katawan. 

"10 hours. May sampong oras mo pang makakapiling ang pamilya mo."

"H-hindi...Hindi mo pwedeng gawin 'yan!" malakas na sigaw ko. 

Napahagulhol ako dahil sa sobrang takot. 

"P-please..." 

"Please, what?" nanunuyang saad niya habang marahang naglalakad palapit sa akin. 

"P-please...'wag. 'Wag mong gawin 'yan." 

Humalakhak siya na parang isang dem*nyo. Sinakop n'yon ang buong sala. 

"Sino ka para pagbigyan ko? Matapos mong agawin sa'kin si Reybien, sa tingin mo susundin kita?"

Napalunok ako nang sumeryoso ang mukha niya. 

"Sampong oras na lang, Jimelle...sampong oras na lang. And don't you dare tell them about this kung ayaw mong mas mapadali ang pagkamatay nila." 

Sa nakikita ko sa kaniyang mukha ay wala siyang balak na pakinggan at pagbigyan ako. Ibang-iba ang Veanzee na nakikita ko ngayon, sa Veanzee na nakilala ko. 

Napapikit ako nang humalakhak siyang muli.  I hurried out of the mansion habang iika-ika. I was even more nervous when the guards turned their heads at me. Pati sila ay iba ang mga awra. Hindi ko talaga makita si Joe kaya no choice ako kun 'di ang lumakad ng mabibilis. I was wearing only a light blue sundress, only tied around my neck to keep it from falling. My bandaged soles are too thin. As time went on, the injury on my foot became more and more painful. I couldn't walk properly.

Nakakalabas pa lang ako sa gubat, parang gusto ko na lang gumapang. 

"Sandali na lang..." sabi ko sa tiyan ko nang kumulo ito. Kumalma iyon nang haplusin ko. Hindi ko maintindihan pero may maliit na ngiti ang gumuhit sa labi ko. 

Napatigil ako sa paglalakad nang may matanaw akong isang sasakyan na nasa unahan ko. Umaandar ito, mukhang patungo sa mansion. 

Tumigil ang sasakyan sa malapit sa akin na ikinatalbog ng dibdib ko. Nasa tapat pa ako ng bangin! Pa'no na lang kung isa ito sa mga tauhan ni Veanzee?

Pero nang lumabas ang nasa driver's seat ay kumalma ang dibdib ko. "Roberto..." Kahit papa'no ay napahinga ako nang maluwag. 

"Ma'am." Agad niya akong nilapitan. "Pumasok na ho kayo, ma'am..." 

"S-salamat..." Inalalayan niya ako papasok. Parang gusto ng bumigay ng paa ko sa sakit.

As we were on our way home, he was recounting what had happened when I fell asleep. Roberto said that when Reybien left, just an hour ago, Veanzee suddenly arrived with a battalion of guards. Hindi naman daw sila nito sinaktan ngunit binantaan.

"Oras raw ho na malaman niyang may magsumbong nang tungkol no'n kay sir, malalagot daw ho kami lahat...Pati ang pamilya namin."

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa kaniyang sinabi. 

"Hindi rin ho namin inakala na magiging gano'n si miss Veanzee, ma'am. Mabait ho siya sa amin dati, nagbago na po siya ngayon..." 

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nanahimik na lang ako hanggang sa matanaw ko na ang village na kinatatayuan ng bahay nila Mommy. Inalis ko agad ang seatbelt nang tumigil kami sa tapat, pero hindi agad ako bumaba. 

Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)Where stories live. Discover now