Chapter 13: Veanzee
Ginugol ko ang buong atensyon sa pagbi-bake ng cake, cookies, pati ng brownies. Si Mommy naman ay abala sa spaghetti at kung ano-ano pa. Maglilimang araw na ako rito sa bahay. Gusto ko nang umuwi sa bahay namin ni Reybien, pero gusto ko pang manatili sa tabi ni Mommy.
Hindi ko alam kung anong meron ngayong araw dahil parang may pinaghahandaan si Mommy. Napansin ko lang na malawak siyang nakangiti habang naghahanda.
"Anong meron ngayon?" pagiintriga ko sa isang kasambahay. Baka lang may nalalaman siya.
Kumunot ang noo niya sa akin na parang nagtatanong na kung wala ba talaga akong alam. “Ma’am, birthday niyo po…nakalimutan niyo na?”
I couldn't process a word to say. Kabi-birthday ko lang last month. Darn... Hindi kaya peke rin 'yong araw ng birthday ko na sinabi ni Lola at Thea?!
I was completely speechless. There was a lot of food laid out on our long dining table. Tinawag din namin ang mga kasambahay para sa salo-salo. Naluluha ako, pakiramdam ko ay para sa'kin nga ito. Ganito ba sila noon kapag dumadating ang kaarawan ko?
Kitang-kita ang saya sa mga mata ni Mommy habang nakatingin sa mga pagkain. Dad and Michelle, on the other hand, were visibly disgusted by what they saw. Ramdam kong napipilitan lang sila.
"Happy birthday, Jimelle!"
"Happy birthday, Ma'am Jimelle," bati nila habang binabalingan ako.
Maingay ang hapag dahil sa tawanan at pagbibiruan nila Manang. Si Dad at Michelle naman ay tahimik lang sa pagkain. Bakit ganiyan sila. Hindi ba sila masaya? Umalis si Daddy nang sumapit ang gabi, gano'n din si Michelle. Si Thea naman ay busy sa shoot niya kaya hindi siya nakapunta, gano'n din si Danrick. Kay Reybien…wala akong balita.
Tinulungan ko sila Manang sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Dad had taken Mommy to the bedroom before he left.
"Oh, bakit parang ang tamlay mo?"
Tiningnan ko si Manang at matipid na nginitian. "Naguguluhan ho ako, Manang."
"Naku, birthday mo ngayon kaya dapat ay magsaya ka," aniya. "Ano ba ang mga iniisip mo? Sabihin mo sa'kin, baka makatulong ako."
"Ahm... Manang, bakit po parang hindi ako welcome kay Daddy at Michelle?" tanong ko, wala nang paligoy-ligoy pa.
Naging tipid ang ngiti ni Manang. "Sana talaga ay bumalik na ang ala-ala mo para maintindihan ang lahat," aniya, hindi sinagot ang tanong ko.
Mukhang hindi ko sa kaniya makukuha ang sagot.
"Hindi ko pala masasagot ang mga tanong mo, hija... Lalo na kung tungkol sa pamilya mo." bumuntong hininga siya. "Sa asawa mo, sa kaniya mo makukuha ang sagot."
But how can I ask Reybien if he’s gone and I don’t know where he is. Wala akong update sa kaniya. I went up to my room habang nakikipag-usap kay Rosie sa telepono. Naririnig ko ang mga palatak nito at pag-asik kay China.
"Tumigil ka na nga sa pag-e-ingles mo! Napakahilaw, ang asim pakinggan! Hindi nakaka-nose bleed!" Pa'no kasi ay naririnig ko ang English ni China.
"Hindi pa ba umuuwi si Reybien?" kuha ko sa atensyon ni Rosie.
Nakaakyat na ako sa hagdan at tinatahak na ang pasilyo patungo sa kwarto ko.
"Hindi pa ho, Ma'am, eh."
"Gano'n ba? Sige… Mag-iingat kayo diyan," sabi ko bago pinatay ang tawag.
Hawak ko na ang door knob ng pinto ng kwarto at handa nang buksan, ngunit natigil ako nang may marinig akong boses ng lalaki. Nagmumula iyon sa kwarto ni Mom.
YOU ARE READING
Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)
RomanceHIDING SERIES #1: complete (No portrayer intended) She is beautiful, famous, flirtatious, and admired by some of the people everywhere in the world. Pero ang mga taong 'yan ay natalikuran niya matapos niyang malaman ang isang nakatagong katutuhanan...