Chapter 6: Visit
Halos nasusuka-suka pa ako, pero hinila na ako agad ng kapatid ka papasok sa mall. Kamuntikan akong mahulog sa escalator dahil sa hilo. Humawak na lang ako nang mahigpit sa braso niya.
"I heard you talking to Manang na nawalan ka ng ala-ala. So, I'm your only sister," pakilala niya, tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.
"Y-yeah. that's true. I didn't even know your name..."
"I'm Michelle," mabilis niya lang akong sinulyapan.
Pumasok kami sa isang boutique. Mga furnitures ang narito. Marahan ang lakad namin habang nagtitingin-tingin kami sa iba't ibang desinyo.
"I'm confused."
Tiningnan ko siya.
"You don't know anything about your family, why are you here, then? Paano ka makakapunta rito kung walang nagsabi sa'yo?" she stop from walking and turned to face me. "Sinong nagsabi sa'yo?"
Should I tell her? But what could be my answer if she asked me why that person told me about the real me? Siguro 'wag ko na lang sabihin.
"'Yong nag-adapt sa akin," I answered and averted my eyes. "Actually, hindi naman nila totally sinabi. I just found it out."
Tiningnan niya lang ako, tila pinapasok ang utak ko para basahin kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"Okay, fine." Lumabas na siya boutique. Sumunod na lang ako.
Kung saan-saan kami pumasok pero wala kaming nabibili. Wala naman akong natitipuhang bilhin para sa'kin.
Papasok kami ni Michelle sa isa pang boutique nang may mabilis na lumabas Muntik na kaming matumba dahil sa pagsalpukan.
"T*nga naman! Tumingin kasi sa dinaraanan!" inis ni Michelle sa lalaki.
Naka-itim na hoodie at mask ang lalaki, at black cap kaya hindi namin makilala.
"Pasensya na." Nag-angat siya ng tingin at bahagyang inalis ang mask.
Nanlaki ang mata ko. Kilala ko siya!
"T*nga kasi, eh!"
"Michelle…"
"Haist!" Nagmartsa na siya papasok.
Nginisihan ako ng lalaki at bahagyang nilingon ang fitting room. "Sumunod ka," bulong niya at bumalik sa loob.
Kumuha ako ng dress. "Sandali lang, Michelle, ah. Sukatin ko lang 'to."
Mabilis akong naglakad patungo sa fitting room. Pagkapasok ko ay naabutan ko ang lalaki na nakasandal sa pader. Malawak ang loob ng fitting room kaya malaki ang distansya namin.
Siya ang lalaking nagpapunta sa'kin dito.
"Kumusta ka, Jimelle? Ako pala si Brandon."
"I'm perfectly fine," mahinahong ani ko.
"Really?" Nanunuya siyang ngumisi. "Kung gano'n, maayos ba ang pakikitungo sa'yo ng asawa mo? Maayos ba kayo?"
Ano ang sasabihin niya kapag sinabi kong hindi?
"Ano ba ang kailangan mo?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay 'yon na lamang ang sinabi ko.
"Information."
Napaayos nang pagkakatayo. "Katulad ng?"
"May napapansin ka bang kakaiba sa asawa mo? Sa mansion ng asawa mo?"
Hindi niya ako nilulubayan ng tingin. Parang binabasa niya ang isipan ko kung magsisinungaling ako.
Napabuntong-hininga ako. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Kaya bakit ko pa ipagkakait ang maliit na impormasyong gusto niya.
YOU ARE READING
Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)
RomanceHIDING SERIES #1: complete (No portrayer intended) She is beautiful, famous, flirtatious, and admired by some of the people everywhere in the world. Pero ang mga taong 'yan ay natalikuran niya matapos niyang malaman ang isang nakatagong katutuhanan...