Chapter 10

38K 802 281
                                    

Warning: R-18

Chapter 10: Meant

Hindi maalis-alis ang ngiting nakapaskil sa labi ko habang nagdidilig ng mga bulaklak.

Bakit ka kinikilig, Jimelle? Sigurado ka bang totoo ang mga pinapakita sa'yo ni Reybien?

Pinilig ko ang ulo upang patigilin ang other side ko. Halata naman, eh. Talagang nagbago na si Reybien. Pinagtimpla niya pa nga ako ng milo kanina bago siya umalis.

Ang sweet naman pala talaga ni Reybien. Pinamulahan ako ng pisngi kaya agad ko 'yong sinapo.

"Ma'am?"

Nalingon ko ang nagsalita.

"Ano 'yon, China?" tanong ko kay China.

Nanlalaki ang mata niya sa akin. "Ma'am, 'wag niyong sabihing..." Napasinghap pa siya at napatakip sa bibig.

"Anong meron?" Pati ako ay naiintriga na sa reaksyon niya.

She lowered her gaze to the flowers I was watering. Napatingin din ako.

"Ma'am, maayos naman kayo ni sir, 'di ba?" tanong nito.

Dahan-dahan akong napatango.

"Mabait si sir at guwapo pa, Ma'am," aniya. "Baka ho umiyak siya kapag pinagpalit niyo siya sa bulaklak na 'yan!" Tinuro niya pa ang mga bulaklak na dinidiligan ko.

"Ha?"

"Nakita ko ho kayo, Ma'am! Namumula kayo habang nakatingin sa bulaklak na 'yan!"

I hissed. "Mali ka na naman ng iniisip," sabi ko at nagpatuloy sa pagdidilig.

"Eh, ano? Inaayaw ba kayo ulit ni sir? Sabihin niyo sa'kin, Ma'am, itatakas ko kayo."

"What are you talking about, Chi?" 

Sabay kaming napalingon ni China.

I gasped when I saw Reybien walking towards China and me. "O-oh, akala ko umalis ka na," usal ko.

"I forgot something."

Dirediretso siyang lumapit. Natuod ako nang hinalikan niya ako sa pisnge.

"Just ignore what's she says. China just doesn't have a love life."

"Sir, naririnig ko po kayo!"

Nakatingin lang ako kay Reybien nang lumayo sa'kin. Kinuha niya sa akin ang hose at inabot ko China.

"Tumataas na ang araw, pumasok ka na sa loob." Hindi pa rin ako makaimik. "Alis na 'ko. I'll be home after lunch."

Nanatili ako sa kinatatayuan nang umalis si Reybien, nakatanaw sa kaniya. Si China ay tumabi sa akin.

"Ma'am, ano 'yong sinabi ni sir? Narinig ko lang ang pangalan ko pero wala akong naintindihan. Ingles kasi, Ma'am."

"Wala ka raw love life," natawang sabi ko.

"Pa'no ako magkaka-love life, eh, hindi siya pumayag noong may matandang gusto akong i-date? Naku, si sir talaga." Iiling-iling na umalis si China.

Tinapos ko ang pagdilig bago pumasok sa loob. Nagpahinga ako bago naligo sa master's bedroom.

Simula nang matulog kaming magkatabi ni Reybien sa master's bedroom, dito na ako namamalagi. Ang mga nakita kong pambabeng kasuotan noon ay para pala talaga sa akin, sabi niya.

Alas dose nang dumating si Reybien, saktong katatapos lang namin sa paghanda ng tanghalian.

"Hi, I bought you flowers."

Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)Where stories live. Discover now