Chapter 22: Little Fuertez
Nagdatingan ang mga security. Medyo napalayo ako sa dalawa dahil sa pagsisiksikan. Nang matauhan ako at naalalang narito si China at si Reinzel, mabilis akong lumayo sa mga nagkakagulo. Hindi ko na makita si Reybien dahil sa siksikan ng tao.
Nilingon ko ang kinatatayuan nila China. Pagtingin ko naman sa pwesto ni Veanzee ay wala na ito roon. Nagtaka man sa biglang pagsulpot ni Reybien ay hindi ko na 'yun pinagtuonan pa ng pansin. Muli kong sinulyapan ang mga nagkakagulo, bago tinakbo sila China.
"M-ma'am, si kuya Sir..." pabulong na sambit ni China, punong-puno ng pag-aalala. Napatingin ako kay Reinzel na nakayakap sa baywang niya. Nakatingin ito sa nagkakagulo.
"Reinzel, let's go," I said alarmed. I picked him up immediately so that he would not get tired of running.
Fortunately, Cardo was just outside so we got on a ride and left the place immediately.
Because of what happened, my intoxication disappeared. Halo-halo ang mga iniisip ko. First, what Brandon said about my family. Pangalawa, may tama ng baril si Reybien. At ang pangatlo, na mas nagpakaba sa akin ng husto, did anyone see Reinzel or...did Reybien see Reinzel?
"Ma'am..." China opened the door. Kakauwi ko lang galing trabaho.
Nagkita kaming muli ni Lance pero wala naman siyang binanggit na iba tungkol sa nangyari. Ang sinabi niya lang ay; "Hindi nagpadala sa ospital. Doon daw siya magpapahinga sa mansyon niyo.” Ngumisi pa ito bago may dinagdag. "Umuwi ka na para gumaling agad."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niyang iyon kahit alalang-alala na ako. Bakit hindi siya nagpadala ng ospital para masigurong hindi masama ang tama niya?!
At teka nga! Bakit ba alalang alala ako?! Hindi ba parang mas mabuti 'yun para magkaroon pa ako ng pagkakataong tumago sa kaniya? Pero dapat ba talaga akong lumayo ulit at taguan siya? Hindi.
Hindi kailangang habang buhay akong lumayo sa kaniya. Pero pa'no kung mapatay niya ako kung hindi uli ako tatago?
Naputol ang iniisip kong 'yun nang mapansin ang tila naiiyak na mukha ni China. Nanlaki ang mata ko.
"M-ma'am..." Naalarma ako nang magpatakan ang luha nito.
Wala ngayon sa tabi niya si Reinzel kaya sigurado akong natutulog na iyon ngayon sa kwarto namin.
Pinunasan niya ang luha niya at bumuga ng hangin. Ngumiti siya sa akin pero hindi 'yun umabot sa mga mata niyang palaging masaya at kumikislap.
"China...anong problema?"
"S-si kuya sir, Ma'am... K-kumusta ho siya?" Hindi ko agad siya nasagot dahil pati ako ay walang kasiguraduhan kung maayos na siya ngayon. "May balita ho ba kayo sa kaniya?"
Alam kong hindi siya dapat nadadamay sa pinaggagawa kong paglayo.
Napabuntong hininga ako. Tama. Oras na maging maayos ang lahat sa amin ni Reybien, isasauli ko na siya. Lalayo ako sa kanila kasama si Reinzel. Alam kong makasarili, pero 'yun ang gusto ko para naman kahit papa'no hindi palaging nangangamba na baka nakamasid sa amin si kamatayan.
"A-ang sinabi ni Lance...nasa bahay niya, nagpapagaling," sabi ko ng totoo. May karapatan din naman siyang malaman iyon.
Tumango-tango siya pero bahid pa rin ang lungkot. Kung may napawi man sa kaniya sa sinabi ko, 'yun ay ang pag-aalala. Pero ang lungkot, basang-basa ko pa rin.
Naupo ako sa sofa at sinenyasan siyang umupo sa tabi ko. Umupo siya sa tabi ko, nakayuko.
"Ano'ng problema?"
YOU ARE READING
Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)
RomantizmHIDING SERIES #1: complete (No portrayer intended) She is beautiful, famous, flirtatious, and admired by some of the people everywhere in the world. Pero ang mga taong 'yan ay natalikuran niya matapos niyang malaman ang isang nakatagong katutuhanan...