Chapter 18: Daddy
"Baby..."
Unti-unting nagbukas ang mga mata ko. Kulay brown na kisame ang agad na bumungad.
"Ang guwapo niya, Sir." Boses ni China.
Nakapa ko ang tiyan ko, flat na. Nilingon ko ang pinagmumulan ng boses ni China. Karga-karga niya ang baby ko.
Baby ko…
When they both looked at me, their smiles widened.
"Ang guwapo ng anak mo, Bun–ay hindi ka na pala buntis," natatawang pagbawi ni Romeo.
Marahang lumapit sa akin si China habang si Romeo ay nakaalalay sa kanilang dalawa ng baby ko. China gently placed my baby on my chest and faced Romeo.
I watched my sleeping baby with tears in his eyes. His cheek was fat and looks like a siopao. Kuhang-kuha nito ang pagkakasalubong ng makakapal na kilay sa ama. Halos lahat, nagiging kamukha ko lang kapag pipiliting ako ang kamukha niya.
Bakit gano'n. Ako ang nagdala pero kamukha ng ama.
"Sir, ang guwapo niya talaga!"
"Sus, 'wag kang mag-alala. Kapag tayo kinasal na, magkakaroon na rin tayo ng guwapong baby at maganda. Maganda naman ang lahi ko, walang sayang."
Napapangiti ako habang marahang hinahaplos-haplos ang pisngi ni baby Rein.
"Ninong ako, ah," ani Romeo kaya't napabaling sa kanila ang tingin ko. "May regalo 'yan agad sa'kin 'pag nakasahod na'ko sa katapusan."
Mahina akong natawa at tumango-tango na lang. Isa na siyang guro ngayon. Sa ilang buwang pagkakakilala namin, hindi ko akalain na maggu-guro siya. Kaya ang tawag sa kaniya ni China ay 'sir' at 'ma'am' naman ang tawag sa kaniya ni Romeo.
Kahit hindi nila sabihin sa akin, ramdam ko na gusto na ni Romeo na ibahay si China. Hindi naman pumapayag si China dahil ayaw raw ako nitong iwan, ani ni Romeo nang magkausap kami. Hindi ko maintindihan si China. Ayaw na ayaw niya talaga kahit ako na ang kumausap.
Hinang-hina pa rin ang katawan ko kaya ilang sandali lang nang dalahin uli si baby sa nursery room ay nakatulog uli ako. China and Romeo will take care of baby Rein's birth certificate. Si Jap naman at si Cardo ang nagbantay kay baby Rein sa nursery room.
"Romeo, make sure na maayos ang lahat ha..." sabi ko pa kay Romeo. Mahirap na kasi kapag si China lang, baka mamali-mali.
It was ten o'clock when I woke up again. Mula sa orasan ay napunta sa sofa bed ang tingin ko. Natutulog roon si China at Jap, siguro si Romeo ang nagbabantay sa anak ko.
Hindi ako agad dinalaw ng antok sa gabing 'yun, hanggang sa bumalik ang ala-ala ko sa nakaraan. Naisip ko na naman sila kaya hindi ko napigilan ang maiyak muli. But I promised myself, that would be my last cry.
'Yun na ang huli kong iyak na siya ang dahilan.
Saka lang nagpakita si Danrick nang lumabas na kami ng ospital. Wala itong kasama. He also doesn't seem to have a connection with Jane anymore.
Kapag kinakarga niya ang baby ko ay hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kanilang dalawa, lalo na kapag nilalaro-laro nito ang maliliit na kamay ni baby Rein.
"Tss. Paniguradong makikilala 'to agad ng tatay kapag nakita 'to," he said, staring at my baby.
I ignored what he said.
Tumigil ako sa pag-aayos ng mga bayarin sa bahay at nilingon siya.
"Magtatrabaho ako. Baka may kakilala kang nangangailangan ng kahit ano."
YOU ARE READING
Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)
RomanceHIDING SERIES #1: complete (No portrayer intended) She is beautiful, famous, flirtatious, and admired by some of the people everywhere in the world. Pero ang mga taong 'yan ay natalikuran niya matapos niyang malaman ang isang nakatagong katutuhanan...