Chapter 2: Venus
Hindi maalis ang tingin ko sa singsing habang pinaglalaruan. Hindi ako mapakali. Patungo kami ng 'asawa ko' sa bahay ng pamilya ko.
Ang bilis ng mga pangyayari. Ang kasal na tinakbuhan ko ay hindi ako pinakawalan. Gusto talaga akong itali.
"You may now kiss your Mrs., Mr. Fuertez," nakangiting sabi ng Mayor.
Nanginig ang labi ko nang harapin ako ng lalaki. Mas bumilis ang pagtibok ng puso ko. Parang gusto nitong kumawala sa dibdib ko.
"You're now forever tied in me," bulong niya bago ako hinalikan nang mabilis. Halos hindi ko 'yon naramdaman.
Pero kahit na gano'n ay hindi ko maipagkakaila na nakuha ng makakapal niyang kilay at mahabang pilikmata ang ibang parte sa akin. Gano'n din ang mapupula niyang labi.
Pumikit ako nang maalala ang pangyayaring 'yon. Hindi ako maaaring madala sa panlabas niyang anyo, hindi p'wede.
Bumuntong-hininga ako at inihanda ang sarili. Ihahanda ko na lang ang loob ko sa lalaki. Hindi ako magpapa-api sa kaniya.
Aaminin ko, maganda ang pangangatawan ng lalaki. Pino ang kilos. Pero minsan nakakatakot ang presensya niya. Para bang kapag nasagi mo siya ay magliliyab na lang ang katawan mo.
Hindi rin naman siya mapaghahalataang mamamatay tao, pero hindi pa rin naging dahilan 'yon para hindi ako makaramdam ng takot.
"We're here," wika niya.
Binuksan niya ang pinto sa tabi niya at bumaba roon. Bumaba na rin ako. Nang makatapak ang mga paa ko sa semento ay nakaramdam ako ng panlalamig. Mas kinabahan ako lalo.
Madilim na, at sigurado akong wala nang makakakita sa amin dito sa labas. Pumasok kami nang pagbuksan kami ng gate ng katulong.
"Magandang gabi po, ma'am and sir," bati niya. Tinanguan ko lamang ito kahit na ang tingin niya ay nasa kasama ko.
The maid open the door for us. Agad bumungad si Mommy at Daddy sa loob. Ngunit ang lalaking kasama ko ang una nilang ni-approach.
"Magandang gabi, Reybien." Malaki ang ngiti ni Daddy at Mommy sa pagbati. Matipid lang silang tinanguan ni Reybien.
Inantay kong balingan ako ni Mom at Dad, ngunit hindi 'yon nangyari. Inaya nila si Reybien sa office room ni Dad. Napabaling lang sila sa akin nang binalingan ako ni Reybien.
Mahina akong napasinghap nang humakbang si dad at yumakap sa akin. Halos mapadaing ako dahil sa sobrang higpit no'n. Halatang may pinaparating sa akin.
"Go to your room, we'll talk later," bulong sa akin ni Dad bago kumalas sa yakap at tinalikuran na ako.
Napasulyap ako kay Reybien na bahagyang salubong ang kilay, nakatingin sa akin. Nang mag-iwas ako ng tingin ay tumalikod na rin siya at sumunod na kay Dad.
Napabuntong-hininga na lang ako at sinunod ang sinabi ni Dad.
Nagpadala ako ng pagkain sa kwarto ko dahil sa panghihina ko. Ngayon ko pa lang kasi nararamdaman ang gutom ko. May isang araw na pala akong hindi kumakain. Pagkatapos ay nagbihis na rin ako agad.
Gustuhin ko mang matulog ay hindi ko nagawa dahil hindi ako dinadalaw ng antok. Kahit anong pilit kong pumikit ay dilat na dilat ako.
Napabalingkwas ako ng bangon nang lumagabog ang pinto ng kwarto ko. Umupo ako, tatayo na sana upang buksan ang pinto ngunit marahas na 'yong bumukas.
Sa bilis ng hakbang ni Dad ay hindi ako nakaiwas sa malakas niyang sampal. Napatumba ako sa sahig sa lakas no'n. Namanhid ang pisngi ko. May natikman din akong metal mula sa gilid ng labi ko. Hindi ko napigilan ang maiyak.
YOU ARE READING
Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)
RomanceHIDING SERIES #1: complete (No portrayer intended) She is beautiful, famous, flirtatious, and admired by some of the people everywhere in the world. Pero ang mga taong 'yan ay natalikuran niya matapos niyang malaman ang isang nakatagong katutuhanan...