Chapter 25

34K 654 174
                                    

Chapter 25: Kinuha


Agad nagyakapan si Rosie at China, umiikot ikot habang maliliit na tumatalontalon. Nakangiti ko namang tinanguan si Roberto, sinuklian niya naman ang ngiti kong 'yun. Iniwas ko ang tingin sa nakapamulsang Reybien na palapit dito sa amin. Kay China at Rosie ko na lang tinuon ang tingin ko. 

Masaya ako. Sobrang saya ko dahil sa aking nakikita. I'm thankful because nothing happened to Rosie and Roberto. They are also in look good today.

"Namiss kita, ate Rosie!"

"Ikaw din, Chi-Chi!"

"Ang laki mo na lalo..." si Rosie habang pinapasadahan ng tingin si China, mula ulo hanggang paa. 

"Oo! Ikaw din, ate Rosie!"

When their attention came to me, I smiled at them sparingly. Hindi sila umimik. Nginitian lang din nila ako at bahagyang nilingon si Reybien, na ngayon ay walang emosyong nakatingin sa akin. 

Napababa ang tingin ko. Hindi ko kayang salubongin ang titig niya. 

"I want to see m-my son..." ani nito sa mababang boses. Napaangat ako ng tingin at tinangu-tanguan siya. 

Paglingon ko sa kinauupuan ni Reinzel kanina ay wala na ito. Ang pagsara na lang ng kwarto namin ang naabutan ko. Napabuntong hininga ako at inaya na silang pumasok. 

"Rein..." marahang tawag ko. Kinatok ko ang nakasaradong pinto pero walang Reinzel na sumasagot. "Ahm... Reinzel-"

"Ako na..." Pinigilan niya ang kamay kong kakatok pa sana sa pinto.

Naalarma ako sa kuryenteng hatid ng maimbong niyang palad. I sighed and stepped back, to give him space.

The three were left in the living room but the attention was on us. Pinihit ni Reybien ang siradura ng pinto, bumukas 'yun. Maingat niya 'yung tinulak para bumukas. Walang Reinzel na tumambad sa amin. Kahit sa banyo na kurtina lang ang tabing ay wala. 

"Reinzel–"

"Shh..." pagpapatahimik ni Reybien sa akin. 

Nagtataka ko siyang tiningnan nang paluhod siyang umupo sa kinatatayuan niya. 

"I don't bite...come out." Nakatingin siya sa ilalim ng kama. 

Ilalim ng kama?

Nakaawang lang ang labi ko habang nakatunganga kay Reybien at sa tinitingnan niya. Maya-maya lang ay nakita ko na roon ang ulo ni Reinzel, lumalabas mula sa ilalim ng kama. Nagsimulang uminit ang gilid ng mga mata ko nang makita ko ang namamasa nitong pisngi, at ang pagbuka ng mga braso ni Reybien. 

Tumayo lang si Reinzel at tumalikod sa gawi namin.

"Ikaw ang P-papa ko?" 

"Y-yes, baby.nI'm your P-papa," pumiyok ding sagot ni Reybien habang nananatiling nakabuka ang mga braso, naghihintay ng yakap ng anak. 

Napatakip ako sa bibig dahil sa pagpipigil ng hikbi. Hindi ko inakalang ganito kasaya at kasakit ang mararamdaman ko. At sigurado ako na mas lamang ang saya at sakit na nararamdaman nilang mag-ama, kaysa sa nararamdaman ko. 

"I-is this for real, Mama?"

"O-oo, Reinzel. I'm sorry..." 

Unti-unti siyang pumihit paharap. Basag-basa na ang pisngi niya dahil sa luha. Ang tainga at mata ay namumula dahil sa kaiiyak.

"D-do you...do you still love my Mom, D-dad?" 

"Reinzel–"

"Yes. I'm still in love with your Mom. Now, please...come here..."

Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)Where stories live. Discover now