Chapter 12: Aliyah
Pagkatapos kong magpalit ay agad na akong bumaba. Si Lance at Denz pa lang din ang naabutan ko. Wala pa rin si Reybien.
Nagpadala ako ng snack para sa dalawa.
"Hindi mo ba ako nakikilala?" Lance asked as soon as I sat on the single sofa in front of them.
I looked at him confused and wondered if we had ever met. I don't remember anything. His voice seemed familiar but not his face.
Inilingan ko siya. Si Denz ay nakatingin lang sa amin habang umiinom ng juice.
Hindi na nagsalita pa si Lance bagkus, ang mata niya lang ang ginalaw niya. He took a glimpse at the dinning bago binalik ang tingin sa akin. Tinaasan niya ako ng isang kilay. Nang may nabasag na baso ay sabay kaming napatingin kay Denz dahil sa kaniya iyon nanggaling.
"What the f*ck, Lance!" gulat at hindi makapaniwalang sigaw ni Denz.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Lance.
Bumuntong-hininga si Lance saka umiling-iling sa kaibigan.
"Ikaw 'yong lalaking naka-all black noon?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Lance nang makuha ko ang ibig sabihin ng tingin nito kanina.
Hindi ko masabi na siya 'yong nagpasok sa akin sa cr dahil baka iba na naman ang pumasok sa isip ni Denz.
Nakangising tumango si Lance while I heard Denz's sigh in relief. Natahimik na rin siya.
"Maiwan ko na muna kayo rito. Tutulong lang ako sa pagluto," paalam ko sa kanila at tumayo na.
Hinila ko na si China palayo sa tabi ni Denz. It was because she was staring at Denz, namumula-mula na ang pisngi.
Maganda rin naman si China, baby face. Pareho sila ni Denz. But…I think they're not match.
"Hinahayaan ka ni Rey na magtrabaho?" pahabol na tanong ni Lance.
Tumigil ako at napabaling sa kanila. Seryoso siyang nakatingin sa akin, bahagyang nakasalubong ang kilay.
"Asawa siya, Lance," ani Denz.
"Oo..." sagot ko kay Lance.
Tumango-tango siya.
Nginitian ko sila bago tinalikuran ulit.
Hanggang sa matapos ako sa paghahanda ng hapunan ay wala pa rin si Reybien. Matanong nga sa dalawa 'yong tungkol sa organization nila.
"Hindi pa rin ba uuwi si Reybien?" I asked as I went back to the living room.
Nagkibit balikat lang ang dalawa bago tumayo.
"Kakain na ba?" si Denz nang makalapit.
Tumango ako at sumunod na sa kanila. Sabay kaming kumain na tatlo habang pinagsisilbihan ng kasambahay ang mga bisita namin. Pinapanood ko ang pagkain ng dalawa. Ang tahimik ng galaw nila, halos hindi na marinig ang paglapat ng kutsara't tinidor sa plato.
"May itatanong ako," pagbasag ko sa katahimikan.
Uminom sila ng tubig.
"Sino ang babaeng kausap ni Reybien kanina?"
"She's Aliyah," simpleng sagot ni Lance saka nagpatuloy sa pagkain.
Next thing I looked at Denzel. One of his eyebrows was raised at me as he chewed, as if he was waiting for me to ask him as well.
"Ahm... sino si Aliyah?" tanong ko sa kaniya.
"Si Aliyah. She's nothing to worry about," sagot niya. “Ikaw lang ang mahal ni Reybien.”
YOU ARE READING
Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)
RomanceHIDING SERIES #1: complete (No portrayer intended) She is beautiful, famous, flirtatious, and admired by some of the people everywhere in the world. Pero ang mga taong 'yan ay natalikuran niya matapos niyang malaman ang isang nakatagong katutuhanan...