Chapter 20: Ospital
"Miss Jimelle Soria?" pagtawag ng isang staff sa pangalan ko.
I'm not Mrs. Fuertez anymore.
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at naglakad palapit sa kaniya.
"Ikaw na ang susunod," nakangiting ani nito.
I nodded and walked into the room where the interview was being held. Now I am taking a position as a financial manager.
In my five years of endurance as a secretary, I finally found the right company. Ang pagiging secretary ko sa dati kong pinagta-trabahuhan ay hindi madali. Ang bastos ng CEO. Kung hindi pa ako tinulungan ng supervisor ko, hindi ako makakaalis sa empyernong 'yon. Muntikan na akong ma-rape ng CEO roon. Kung hindi ko lang iniisip ang pagpapagamot ni Reinzel, hindi ako magtitiis doon.
Nagkadeperensya si Reinzel sa puso dahil sa pagtitiis niya sa amoy gumang gulong at paghahabol ng hangin sa nangyari noong nakaraang limang taon. Wala rin akong nilapitan noon na kakilala ko kahit sino. I tried na pumunta kay Lola pero natakot ako dahil naisip ko na baka matunton ni Reybien ang lugar na 'yun. Baka utusan na naman niya ang mga alalay niya na patayin kami. Natakot ako na baka madamay si Lola.
It was also only two years ago when Danrick and I met again. Umalis na rin siya sa pinagta-trabahuhan niya sa lugar na 'yun at lumipat din ng trabaho sa lugar kung saan kami nananatili ngayon.
Nang matapos ang interview ko ay dumaan muna ako sa grocery. Malayo rin ang lugar na ito sa lugar na kinalakihan ko, malayo rin sa unang pinuntahan ko. Gusto ko na talagang magpakalayo-layo.
"Maayos naman. Wala namang sumabit sa mga sagot ko sa mga tanong nila," sagot ko sa pangungumusta ni Danrick sa interview ko, mula sa cellphone.
"That's good then." Nasa trabaho siya ngayon. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya at kung saan, basta ang sabi niya ay rito lang din sa lugar na ito.
When our call ended, I entered the grocery store. Hindi naman halata na may sakit na dinadamdam si Reinzel dahil sa ganda naman ng pangangatawan niya. Bawal lang talaga siyang mapagod dahil ang sabi ng doctor niya ay baka biglang umataki ang asthma niya at hindi maagapan, baka mapano. Lalo na't nag-aaral na siya ngayon, mas madami ng mga bata ang nakakahalubilo niya.
Dalawang araw lang ang lumipas nang makatanggap ako ng email mula sa kompanya na pinag-apply-an ko. Natanggap ako.
"Are you sure, Mom, that your new boss wasn't like your boss before?" His face was full of concern.
Napangiti ako. Kinulong ko ang mukha niya sa dalawa kong palad. Mas humaba at kumapal ang mga pilik nito kaysa noong isang taon siya. Ang kilay niya ay mas gumanda ang ayos.
"Don't worry, Mr. Reinzel Martin, my bosses are kind," I said smiling. I kissed him on the forehead, then hugged him tightly.
"Hindi ka na uuwi ng may pasa sa mga braso, Mommy?"
"Yes, baby..." napapikit kong sinagot.
Humiwalay siya sa yakap at tiningnan ako, mata sa mata.
His fists clenched and his jaw tightened. "I'm a man now. When you come home from work with a scar, Mom, I swear, I'll punch whoever did that until he knelt down in front of me."
I laughed as he turned to hug me again. "Ang tapang, ah. Promise, hindi na ako uuwi nang may pasa o galos."
"Promise? I'm now a man, Mom. Hindi na ako takot sa kung sino."
"Promise, Mr. Reinzel na nakapang-doraemon." Mabilis siyang kumalas ng pagkakayakap sa akin at tiningnan ang sarili niya. Hindi ko napigilan ang matawa.
YOU ARE READING
Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)
RomanceHIDING SERIES #1: complete (No portrayer intended) She is beautiful, famous, flirtatious, and admired by some of the people everywhere in the world. Pero ang mga taong 'yan ay natalikuran niya matapos niyang malaman ang isang nakatagong katutuhanan...