Chapter 7: Birthday
Nanatili akong nakayuko, kagat-kagat ang labi. Ramdam na ramdam ko ang talim ng tingin ni Reybien sa akin.
"Don't be stubborn. You're not a kid anymore," he said full of authority. "Now, go out and stop messing up with my house."
Bagsak ang balikat ko nang talikuran siya. Mag-iisang buwan na akong hindi nakakalabas. Hindi ko tuloy makumusta si Mommy. Muli pa akong inaya ni Michelle na lumabas ngunit hindi na pumayag si Reybien. Nagalit pa siya. Inaway ako.
Oo, inaway ako. Uminit ang ulo sa'kin kinagabihan. Nainis nga ako kase hinaharap niya lang ako kapag iritable siya.
"Hindi pa ba sapat 'yong isang buwan?" saad ko nang nasa pinto na.
"Magmatigas ka pa para mas lalong hindi kana makalabas," aniya.
"Kahit cellphone na lang para ma-kumusta ko si Mommy?" Nilingon ko ang lalaki. Sinalubong ako ng madilim niyang tingin.
"It's dangerous," sabi niya at tinalikuran na ako. Ibig sabihin niyon ay tinatapos na niya ang pinag-uusapan namin.
Lumabas ako ng office niya at sinara ang pinto. Malalim akong napabuntong-hininga. Gusto ko sanang makipagkita kay Brandon tungkol sa babae. May ibabalita rin ako sa kaniya. Minsan ko kasing nahuhili si Reybien na may kinakausap sa cellphone, seryoso ang pinag-uusapan.
Pakiramdam ko ay panganib ang dala ng mga sinasabi ni Reybien. Bakit ba sa taong mesteryoso pa ako kinasal.
Tinungo ko ang halamanan upang tumulong kay Rosie. Habang dinidligan ang magagandang bulaklak ay pinupuno ako ng inggit sa katawan.
Gano'n na ba ka-special kay Reybien ang Veanzee na 'yon para palagyan niya ng magagandang bulaklak na binibigay niya sa babae, itong garden?
"Sino si Veanzee, Rosie?" natanong ko.
"Ho?" Bakas sa mukha ni Rosie ang pagkalito. Kung sasagutin niya ba ang tanong ko, o magsisinungaling siya.
Umiling na lang ako. "Wala, Rosie, kalimutan mo na." Tinigil ko ang pagdilig.
Sa pagtayo ko ay natanaw ko si Reybien na lumabas ng mansion, kasunod si Roberto. Saan na naman siya pupunta?
Umalis ako sa garden. Hindi ko na naabutan si Reybien dahil umalis siya agad pagkasakay sa sasakyan.
Lumapit si Roberto sa akin. "May kailangan ba kayo?"
"Saan siya pupunta?" tanong ko, inalis na ang tingin sa dinaanan ni Reybien.
"Wala pong binanggit si sir, Ma'am."
"Sige… Wala akong kailangan, Roberto." Tumango siya at umalis na.
Hindi kaya kay Veanzee na naman?
Kay Brandon ko lang malalaman ang sagot. Kailangan ko na talaga siyang makaharap.
Abala ako sa pagnguya ng grapes nang makarinig ng katok sa pinto. Naputol ang panonood ko sa mga punong sinasayaw ng hangin.
"Ma'am, marunong ho ba kayong mag-bake ng cake at gumawa ng cookies?"
"Oo, Rosie. Bakit?" Umalis ako sa balkonahe.
"Gawan natin si sir, Ma'am. Mahilig ho kasi sir doon."
"Talaga?!" Sunod-sunod siyang tumango.
This is it, Jimelle! Ipaggawa natin ng cookies ang masungit mong asawa. Baka na lang payagan ka na ulit lumabas!
Dahil sa naisip ay agad ko nang hinila si Rosie pababa. Iniwan ko ang kinakain na ubas, ang iba ay naglaglagan pa sa sahig dahil sa biglang kilos ko.
YOU ARE READING
Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)
RomanceHIDING SERIES #1: complete (No portrayer intended) She is beautiful, famous, flirtatious, and admired by some of the people everywhere in the world. Pero ang mga taong 'yan ay natalikuran niya matapos niyang malaman ang isang nakatagong katutuhanan...