Chapter 5: Don't Care
Maaga na akong gumigising araw-araw para magluto ng almusal ko at ni Reybien, kahit hindi niya iyon kinakain.
Pagkatapos kong itali ang buhok sa messy bun na style ay lumabas na ako ng kwarto. Sarado ang kwarto ni Reybien.
We don't share the same room. At mas mabuti 'yon.
Nagtimpla ako ng milo para painitan ang tiyan. Pagkatapos kong maluto ang friend shrimp ay sinunod ko ang ginisang sardinas, favorite ko itong ulam sa almusal.
Habang humihigop sa tasa ay may pumasok sa isip ko. Tama! Mag-asawa na naman kami. May karapatan na naman siguro akong mangialam sa gamit Niya.
Habang inaayos ang mga niluto sa lamesa ay nakarinig ako ng mga yapak papasok ng kusina. Lilingon na sana ako ngunit may agad na nagtakip sa bibig ko.
Pumasok kami sa banyo. Isinandal niya ako sa pader at sinenyasan na 'wag mag-ingay. Hindi ko siya nakikilala dahil madilim ang kulay ng suot niya.
Sumilip siya sa maliit na siwang ng banyo. Para siyang may minamatyagan sa labas. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mga lagabog sa labas.
"Kapag nakalabas na ako, sumunod ka," aniya. Kahit ang boses niya ay hindi ko kilala.
Sunod-sunod akong tumango. Takot na masaktan kaya susunod na lang.
Inalis niya ang kamay sa bibig ko at dahan-dahan siyang lumabas. Sinenyasan niya ako ulit na 'wag mag-ingay. Sinundan ko lang siya ng tingin. Lumabas siya sa backdoor, at nang isarado niya ang pinto ay saka ako lumabas.
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Anong meron? Bakit may naririnig akong lumalagabog at mahihinang daing sa labas?
Patakbo akong umakyat sa kwarto ko. Sumisilip na ang araw sa silangan nang lumabas ako sa balkonahe. Sininghot ko ang malamig na hangin. Gumaan ang pakiramdam ko.
"Nasaan po ba ang pandilig ninyo sa halaman?" tanong ko sa kasambahay na naabutan sa labas.
"Nasa likuran, Ma'am. Nandon si Roberto, hingin niyo na lang sa kaniya," aniya.
Tumango ako at tinungo ang likod.
Nag-aalangan man ay inabot sa akin ni Roberto ang hinihingi ko. Bumalik ako sa halamanan na malapit lang din sa pool.
Diniligan ko ang malulusog na halaman. May iilang bumubukadkad na ang bulaklak.
"What are you doing?" isang baritonong boses ang nagpalingon sa akin sa kanan.
"Oh, Reybien." Kunot ang noo niya. "Ang aga-aga nakabusangot ka na agad." Nginitian ko siya pero iritasyon lang ang sinukli niya.
"Papatayin mo ba ang mga halaman ko?" iritado nitong sinabi.
Nailayo ko agad ang pandilig sa halaman na nalulunod ko na sa tubig.
Nabigla ako nang kunin niya sa akin ang pandilig at basta binalibag.
"Rosie!" galit na tawag niya sa pangalan ni Rosie.
Dali-daling tumakbo si Rosie palapit, halos madapa na sa pagmamadali.
"Y-yes, sir?"
Hindi siya nilingon ni Reybien dahil mariin itong nakatingin sa akin. Umiigting ang panga at kumukuyom ang mga kamao.
"Alisin ninyo ang babaeng 'to rito," utos niya.
Bumilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa inis sa lalaki.
"Sa susunod na makita ko ang babaeng 'yan dito, lahat kayo tanggal!"
"O-opo, sir."
Matalim ang tingin ni Reybien sa akin. Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya pabalik sa loob.
YOU ARE READING
Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)
RomanceHIDING SERIES #1: complete (No portrayer intended) She is beautiful, famous, flirtatious, and admired by some of the people everywhere in the world. Pero ang mga taong 'yan ay natalikuran niya matapos niyang malaman ang isang nakatagong katutuhanan...