Chapter 17

28.7K 697 171
                                    

Chapter 17: Rein

Nilibot ko ng tingin ang kabuoan ng kwarto ko. Malinis na. Maayos na. Iilan na lang ang gamit. I don't know when I will stay here again, o kung babalik pa ba ako. 

I want to forget everything. I just want to live peacefully...with my baby.

"Apo, nakahanda na ang lahat ng gamit ninyo." 

Nilingon ko si Lola at tipid na nginitian. Lumabas ako ng kwarto at sinarado iyon. Iniwas ko agad ang tingin kay Lola nang magpatakan ang luha nito. 

"Mag-iingat ka, Apo…" Marahan lang akong tumango. "A-alagaan ko ang sarili ko. Hindi ko pababayaan ang sarili ko. Hihintayin ko ang pagbabalik mo. Hihintayin ko ang isa ko pang apo.."

Napababa ako ng tingin matapos kumawala ang isang butil ng luha sa mga mata ko. "Susubukan kong bumalik para sa inyo. Para sa inyo lang. Kayo na ang bahala rito, ‘La." Pagkasabi ko no'n ay nilampasan ko na si siya at bumaba na ng hagdan. 

A month after what happened, I decided to leave and get away. One of my eyes has also been treated, pero mananatili ang nakatakip. Wala na ang pangamba ko sa kalagayan ng pamilya ko, sinigurado kong nasa maayos na silang kalagayan. Pinutol ko na rin ang koneksyon ko sa iba. I have also quit being an actress without going in public.

Malayo ang lugar na ito sa lugar namin. Pero gusto kong mas mapalayo pa. 

"Nakaayos na po ang lahat, Ma'am." 

I just smiled sparingly at China and passed her to get into our white van, which my manager took. China also rode next to me. When I looked at the house again, tears welled up in my eyes. Si Lola ay pinapatahan ng nurse niya dahil sa pag-iyak nito habang nakasulyap sa papaalis naming sasakyan. 

Ang sakit pala. Tuluyan na nga akong napalayo sa mga pamilya ko. Hinaplos ko ang tiyan ko. Ibubuhos ko na lang sa magiging anak ko ang pagmamahal na natira sa akin. Sa kaniya na lang. 

It took us a day and a half to reach the place we were going to move to. My manager also bought the place for me, he said he gave it to me as a gift.

Exhausted, I fell asleep as soon as I entered my room. Si China ang nag-ayos ng mga gamit, katulong ang isa pang kasambahay na dinala ko at isang driver namin dito. Madilim na ulit ang paligid nang magising ako. Bumaba ako para kumain. Napangiti ako agad nang maamoy ang niluluto ni China na scrambled egg na maraming carrots. 

"Bukas na ho ba talaga tayo magpapa-check up, Ma'am? Hindi pa ho kayo nakakapagpahinga nang maayos," ani China. 

"Kaya ko naman." Bukas ko makikilala ang ob ko. Nakausap ko na siya bago tumungo rito. 

Lahat ng mga kakailanganin ko sa lugar na ito ay ang manager ko ang umasikaso. Ang sabi niya pa, kapag gusto ko raw bumalik ay sabihan ko siya para maisabak niya ako agad sa palabas. Wala na akong planong bumalik. Gusto ko na ng tahimik na buhay. 

Pagkagising ko kinaumagahan ay agad akong nagbihis, gising na rin si China at ang isang kasambahay na si Jap, mga nagluluto na ng umagahan. 

"Ma'am, mamamalengke ho kami mamaya. May gusto ho bang kainin si baby?" tanong ni Jap nang ilapag ang plato sa harapan ko. 

Nangunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "H-hindi pa lumalabas si baby, Jap...pa'no mo naisip na gusto na niyang kumain?" 

Biglang natutop nito ang bibig niya. Magsasalita na sana ako para sabihing okay lang sa akin ang pagkakamali niya ngunit biglang sumingit si China. 

"Naku, ang slow niyo ho, Ma'am. Hindi ho gano'n ang ibig sabihin ni Jap. Kaya niya ho 'yon natanong ay para po kapag lumabas na si baby at pwede nang kumain, may makakain na siya," paliwanag nito. 

Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)Where stories live. Discover now