Chapter 4

33.8K 823 152
                                    

Chapter 4: Pamilya

Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Patungo na kami sa bahay namin, wala man lang akong ka-ide-idea sa lahat.

Reybien was quite while driving. Hindi ako makapagtanong dahil tila may malalim siyang iniisip. Malalim ang kunot sa kaniyang noo. Hindi ko na rin napigilang titigan siya.

"What? Stop staring," wika niya, bahid ang inis. Pero sexy 'yon sa pandinig ko.

I averted my eyes on him and bit my lips hard. Ngunit kahit anong pagpipigil ang gawin ko ay talagang hinahatak ng sharp jaw niya ang tingin ko.

Nakaigting ang panga niya, ang paggalaw ng adam's apple niya ay sexy! Siya ba talaga ang asawa ko? Bakit sobrang guwapo?

"I said stop staring," mariin niya nang sinabi. Nilingon niya pa ako gamit ang matatalim na tingin.

I looked down at my hand. I haven't even stared at him for a long time, eh! Hindi pa nga nagsasawa sa kaniya ang mga mata ko!

I just calmed down and focused my gaze out the window, I even opened it to breathe the cold air.

Pumasok kami sa isang village. When the car stopped my chest began to throb. Darn, am I really in front of our house? Makakaharap ko na ba talaga ang pamilya ko?

Sumunod akong baba sa sasakyan. Biglang nanuyo ang lalamunan ko, gano'n din ang pagpawis ng kamay ko. Bakit ganito? Parang mas lamang sa excitement ko ang kaba?

"Let's go," ani Reybien at naunang naglakad.

Isang katulong ang nagbuksa ng gate.

"Magandang hapon ho, sir, ma'am." Nang magtama ang tingin namin ay nginitian ko siya.

"Thank you." Her eyes widened.

Parang nakakita ng multo dahil sa reaksyon niya. Hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. Nilampasan namin siya.

May isang katulong ulit ang nagbukas ng pinto. Bigla akong napakapit sa braso ni Reybien. Napatingin siya sa akin. Imbes na bumitaw ay hinigpitan ko pa ang pagkakakapit.

Napatingin kami sa bumababa sa staircase. Tatlong elegante ang ayos.

Napaayos ako ng tayo.

Tumigil sila ilang dipa sa amin. Nagsimulang manlambot ang binti ko. I stared at their emotionless faces, looking at me.

Napalunok ako.

Tiningala ko si Reybien upang tanungin kung sila na ba ang mga magulang ko, pero marahan na siyang tumango. Wala rin siyang emosyon habang nakatingin sa akin.

Biglang uminit ang gilid ng mata ko. Bumitaw ako sa pagkakahawak kay Reybien at naglakad nang marahan palapit sa pamilya ko. Ang mga mata ko ay nanlalabo na dahil sa mga luha.

Ang buhok ng daddy ko ay may halo ng kulay abo. Sa katabi nila ay may mukhang mas bata sa akin na babae. She rolled her eyes at me.

Bumuhos ang luha ko. Sila na nga ang pamilya ko. Kaharap ko na ang totoo kong pamilya na itinago sa akin.

"D-dad." Nanginig ang boses ko.

Yayakap na sana ako sa kaniya, ngunit napaatras ako sa palad na lumipad sa pisngi ko. Nabaling ang tingin ko sa sahig. Hinaplos ko ang namanhid kong pisngi, marahang ibinalik sa kaniya ang tingin.

"Jimelle," matigas niyang pagbanggit sa pangalan ko.

Ang kaninang walang emosyon niyang mata ay nagsisiklab na sa galit ngayon.

Ganito ba sila mag-welcome?

"D-da–" Muling dumapo ang likod ng kamay niya sa kabila kong pisngi. Napaupo ako sa sahig.

Hiding from Fuertez (Hiding Series #1)Where stories live. Discover now