Kabanata 2

26.1K 538 83
                                    


Natapos na akong magbihis ng mas simpleng dress at nagsuot na lang ng flast shoes.

Takot akong mapalitan ni Mommy pero mas takot akong makita nang ibang tao na madumi at sira-sira ang heels.

Not that I don't want them to see me dirty for my pride but for my parent's pride. Ano na lang ang masasabi nang mga tao na ang mga anak ng successfull business men and woman na si Mr. at Mrs Craig ay may anak na madungis?

That will be the death of Mommy. Ayaw na ayaw no'n na masira ang reputasyon niya.

Pero ang hindi ko maintindihan ay ang sense ng party na 'to. Para lang ba kumain? Kasi magt-twelve na pero heto at nakaupo pa rin ako rito sa harap pero walang pumapansin.

Sina Mommy't Daddy ay ayon may katawananan na business partners.  So this party isn't really because I graduated with high honor in Grade 12? Para talaga 'to sa mga business partners nila Mommy at para makakita pa sila ng ibang ka partners?

Naiinip na nagtipa ako sa cellphone ko. Bored na. Tinext ko si Regie.

| nasaan ka?|

Mabilis naman siyang nag reply. Akala ko matatagalan pa, e.

| Nhaxa fuxhu nhiyha ⟵(๑¯◡¯๑) |

Napahagikgik ako ng mahina sa kabaliwan nang pinsan ko.

| bored ako, punta ka rito sa harap at dalhan ako ng masarap na chocolates, fles? |

Hindi ko talaga mapigilang hindi maging baliw rin kapag si Regie ang kasama o ka text ko. Baliw rin kasi. Ibang-iba sa kapatid niya.

| Filiteyn mo she mey(๑•﹏•) |

Natawa ulit ako. Natatawa ako sa mga emojies na gamit niya. May mga emojie naman na sticker bakit 'yan pa. Napaka makaluma talaga.

| hindi ko alam kung nagpapaka-jjmoan ka jjmoan ka talaga, Giek. |

Wala pang five second ay may reply na agad siya. Bilis mag reply ng loko.

| Fhuangitch muhx (@_@;) |

Ha? Ano daw?

Nahihirapan akong intindihin ang mga salita habang tumatagal na nagt-text kami kaya hindi ko na siya nireplyan.  Nakaka-bobo siya ka-text.

May nag text kaya inopen ko. Akala ko si Regie pero hindi.

| You're such a baby. Can you be my baby? |

Kumunot ang noo ko sa text. It's from an unknown number. Natawa pa ako sa text ng kung sino man 'to.

Hindi ako mahilig mang reply nang hindi kilala kaya hindi ko na nireplyan pero tumunog ulit ang phone ko pagkatapos ko i-lock.

| Uhaaa-Uhaaaa! |

"Uha -Uha?" patanong na basa ko sa text ng unknown number.

"Ano raw?" tanong ko sa sarili ko nang hindi ko makuha ang ibig sabihin ng uha-uha na text ng kung sino man 'to.

"Hoy!"

Napaigtad ako nang bigla na lang may kumalabit sa 'kin. Muntikan pang mahulog ang phone ko.

"Ano ba, Regie," reklamo ko at umayos ng upo.

Baka may makakita pang basta na lang ako umuupo ay i-criticize ang magulang ko.

Lahat ng actions ko, apektado sila kasi kaya nag-iingat ako.

"I didn't know na magugulatin ka na pala ngayon?" Tawa niya at basta na lang kumuha ng upuan sa tabi at inilagay sa harap ko para magkaharap kami.

'Yong totoo? Lawyer ba talaga 'to?

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon