Kabanata 64

13.1K 243 2
                                    

Congratulations, Diego! You have lost the girl you love the most!

Leaving Selena was the biggest mistake I have ever made. Cutting ties between us that rainy night was the worst thing I have ever done.

Sobrang sakit. Sobrang sakit na makita siyang sinasauli ang singsing sa 'kin. How did she ran and hugged me. How she kissed me for the last time.

Kung ako lang, hinding-hindi ko siya iiwanan. Kung ako lang, kahit mahirapan ako, siya pa rin hanggang huli.

But no. I have a child with Glenda. Kailangan kong panagutan 'yon. Isang gabing pagkakamali, habang buhay kong dadalhin ang kapalit. At 'yon ay ang sakit na mawalay sa 'kin si Selena.

But I guess I was tricked.

"Diego, I need to talk to you about something."

" I have no time for you, Glenda." Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglabas ng bahay.

"Diego! Wait!" Hinawakan niya ang kamay ko kaya mabilis ko 'tong naiwaksi.

"Can you please leave me alone?" hindi napigilang sigaw ko. "Kung wala kang magawa sa buhay mo, ako meron! Marami akong gagawi—"

"Gaya ng ano?" Tumulo ang mga luha niya. "Ano ang mga maraming bagay na gagawin mo? Ang pagc-check sa mga taong sinuhulan mo para bantayan at i-check si Selena?"

Natigilan ako.

"Oo, Diego! Alam ko! Alam ko na kahit hiniwalayan mo na siya ay lahat ng atensiyon mo sa kaniya pa rin! Alam ko na ako man ang pinili mo, ang puso mo ay sa kaniya pa rin!" Humikbi siya. "Wala ka nang oras sa 'kin. Bawat araw, isang oras lang ang inilalagi mo rito tapos aalis rin! Hindi ko na nararamdaman ang presensiya mo sa bahay na 'to, Diego!"

"That is because I don't want to be with you!"

Kaya nga hahayan na kita!"

Natulos ako sa kinatatayuan ko. "What?"

"Hahayaan na kita, Diego. I will let you be with her. Hindi na kita guguluhin." Umiyak siya lalo at hinawakan ang tiyan niya na halata na.

Limang buwan na rin ang tiyan niya.

"Aalis ka? Paano ang anak ko? Don't tell me ilalayo mo sa 'kin ang anak ko, Glenda? Iniwan ko si Selena para sa anak ko!"

"Alam ko, Diego! Alam ko! Kaya nga bibitawan na kita at hahayaan na kay Selena dahil hindi mo naman 'to anak. Hindi mo anak ang dinadala ko, Diego!"

Tumigil sa pagtibok ang puso ko at nag-init ang gilid ng mata.

"W-What did you say?"

"H-Hindi mo anak ang dinadala ko, Diego. This isn't yours. Sorry.... S-Sorry, Diego..."

Doon na tuluyang tumulo ang luha ko. Sa galit, sa panghihinayang, at sa lungkot!

"S-Sorry, D-Diego... M-Mahal na mahal lang talaga kita kaya ko nagawa 'yon pero ngayon, na-realize ko na hindi mo talaga ako kayang mahalin. Na maging ama ka man sa anak ko, mananatili kang asawa ni Selena. Na magkasama man tayo sa iisang bahay, nanlilimos pa rin ako ng oras at pagmamahal sa 'yo...." Sinubukan niyang hinawakan ang kamay ko pero iwinaksi ko ito.

"Don't touch me!"

"S-Sorry.."

"Sorry? Kaya bang ibalik ng sorry mo ang asawa ko? Kaya bang ibalik ng sorry ang mga nawasak na? Kaya bang ibalik ng sorry mo ang pagmamahal sa 'kin ng asawa ko?" Sunod-sunod na tumulo ang luha. "It's my first time loving a person like this, Glenda. I love her so much but you ruined everything! You ruined everything! How dare you!"

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon