Kabanata 30

14.4K 325 20
                                    


Nagising ako nang may humahaplos sa mukha ko. Pagmulat ko ng mata ko ay agad akong napausog ng makitang si Kuya Jake 'yon.

Naalala ko ang nangyari kanina sa opisina. Ang lahat-lahat ng nangyari. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi iyon panaginip o ano ko lang, totoong nangyari 'yon.

"H-How are you feeling?"

Halata sa mukha ni Kuya Jake na hindi rin siya komportable. May munting ngiti siya sa labi pero hindi katulad no'ng mga ngiti niya sa 'kin dati kapag nagkikita kami.

"I-I'm good. Paano...P-Paano nga pala ako napunta rito?" Bumangon ako at inlalayan niya naman ako.

Hindi na sana ako magpapatulong pero alam kong insulto 'yon sa part niya. Narinig ko lahat kanina pero hindi pa rin ako sigurado dahil magpinsan kami. Magpinsan. Magkapatid ang mga magulang namin!

"Nawalan ka ng malay sa opisina kanina kaya inuwi ka namin."

Tumango ako. Si Diego. Naalala ko ang ginawang pagtatago ni Diego sa 'kin tungkol sa bagay na 'yon.

"B-Baby, I wan't to talk to you about what happened earlier. Alam kong kaya ka nawalan ng malay dahil sa may narinig ka kanin-"

"N-Nasaan si Diego?" I asked him, ignoring what he was saying.

Aaminin kong naghahanap ako ng sagot. Gustong-gusto kong malinawan. Pero ngayon na handa ka si Kuya Jake na ibigay ang mga sagot na kailangan ko, ako naman ang naduduwag. Naduduwag akong malaman ang mga sagit sa tanong ko.

Naduduwag akong masayang ang pagsasama namin simula bata ako. Naduduwag akong masaktan kaming lahat. Naduduwag ako sa posibleng mangyari. Hindi ko kaya at hindi ko yata kakayanin.

Nanikip ang dibdib ko ng makitang bumalatay ang sakit sa mukha ni Kuya Jake ng hanapin ko si Diego. At nasaktan rin ako.

"P-Please K-Kuya...Kuya Jake, n-nasaan si Diego?" Nawawalan na ako ng boses. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko.

Umiwas siya ng tingin at bumuga ng marahas na hininga. I felt his pain and I don't like it. No! He's my cousin! My cousin! Hindi pwede! Bakit ba ganito?

"S-Selena...." Nabasag ang boses niya sa pagbanggit sa pangalan ko.

Napapikit ako at hindi na napigilang tumulo ng luha ko. Kahit anong lihis at pagkaduwag ko, dito rin kami papunta ni Kuya Jake.

Sa komprontahan.

"K-Kuya....K-Kaya kong k-kali....k-kalimutan a-ang....n-narinig...k-ko...." Nagmamakaawa ang boses ko.

Humarap siya sa 'kin at namumula ang mga mata niya. Napayuko ako. Ayokong tingnan ang sakit sa mukha niya. Ayoko siyang saktan at ayokong masaktan. Naghihirap na ang kalooban ko at kanina pa ako humihiling na sana nananaginip na lang ako.

"S-Selena, you can not forget what you've heard even if you'll try to. It'll be stocked in your mi-"

"P-Pero pipilitin kong kalimutan 'yon, Kuya. K-Kaya kong umaktong walang nangyari...P-Please K-Kuy-"

"Selena, after of what you have heard? Do you think we'll go back to our closeness? Do you think kaya pa nating umaktong walang nangyari? Selena, come on. Matanda ka na. Alam mo na kung anong ibig sabihin no'n. I took the risk to show my face to you right now to clear this. Ayoko nang itago 'to. Ayoko na! Pagod na pagod na ako!"

"K-Kuya..."

"Yes, I love you!"

"K-Kuya, p-please..." Umiling ako at panay pagmamakaawa na sana huwag na niyang ituloy.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon