Kabanata 14

15.3K 417 13
                                    


Pagdating sa bahay ay bumaba kaagad ako. Hinintay ko muna si Diego na makarating.

"Ma'am, mukhang wala pa po si Sir Diego, ah?" ani ng driver na nakababa na rin sa kotse.

"Darating 'yon, Kuya," confident na sagot ko.

At hindi naman ako nabigo dahil isang minuto lang ang dumaan ay humarurot na papasok sa gate ang kotse ni Diego. Napangisi ako. That's right, Diego.

"Tama nga po kayo, Ma'am." Halakhak ng drivrler at umalis.

Pagkababa ni Diego ay sa akin agad ang paningin niya, matalim pa nga. Naglakad siya palapit sa 'kin pero ang titig ay hindi inaalis.

"Let's go?" Ngisi ko.

"Why are we here?" malamig na tanong niya.

"Mommy invited us," sagot ko at naunang naglakad papasok.

Hindi pa ako nakakalimang hakbang ng hilahin niya braso ko. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng masubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"You don't go anywhere else other than my side, baby."

Mabilis akong napaayos ng tayo. Magrereklamo na sana ako sa sinabi niya ng tumakbo naman ang kamay niya papunta sa bewang ko at hinapit ako palapit.

Nanginig ang katawan ko sa ginawa niya. Nanlalamig rin ang kamay ko. Ang puso ko, ang lakas ng tibok na tipong naririnig ko na.

"Let's go, baby." Naglakad siya at nadadala ako kasi hawak niya ang bewang ko.

"D-Diego, a-ano b-ba!" pilit na reklamo ko at sinusubukang iwaksi ang kamay niya sa bewang ko.

"Stay still, baby. You don't want me angry. Kanina pa naman ako galit sa 'yo. Ayokong dito pa sa bahay ng parents mo tayo magkagulo." Binaling niya ang tingin niya sa 'kin at ngumisi. "That doesn't sound good, right?"

Pumikit ako ng mariin. Sinasabi ko na nga bang hindi niya talaga palalagpasin ang nangyari kanina sa office. Pero kailangang kong maging matatag.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay sinalubong kami nina Ate Madz.

"Ma'am!" bulalas niya at tumakbo papunta sa akin.

Binitawan na ni Diego ang bewang ko kaya idinipa ko ang braso para yakapin si Ate Madz.

"Buti naisipan mong bumisita, Ma'am."

Kumalas ako sa yakap ay nginitian siya. "Mommy invited us, Ate. Pero kahit naman hindi, pupunta pa rin kami ni Diego. Right, Daddy?" Baling ko kay Diego.

Tumaas ang kilay niya. Tumikhim siya at tahimik na tumango. Namula naman kaagad si Ate Madz. Crush pa rin niya talaga si Diego.

"H-Hi po, S-Sir." Yuko ni Ate Madz.

"Hm." Tango ni Diego.

Lumapit ako sa kaniya at kumapit sa braso niya. "Daddy, put some smile in your face naman for me, oh?" Nguso ko kunware.

Shocks! Ako lang yata nagpapahamak sa sarili ko. Tumingin si Diego sa 'kin ng matalim pagkatapos ay bumaling kay Ate Madz na nakaabang. Dahan-dahang ngumiti si Diego pero para hindi naman halata dahil sa iksi nito.

Namula lalo si Ate Madz. Gano'n niya ka gusto si Diego. Grabing pagkagusto naman.

"Ay teka, Ate, where is Mommy and Daddy?" pag-iiba ko ng usapan.

"Si Daddy niyo po ay nasa office po. Si Mommy niyo po ay nasa kwarto. Tawagin ko po ba?"

"Huwag na. Ako na," pigil ko sa kaniya.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon