Kabanata 35

12.4K 292 24
                                    


Nagising ako umaga na. Masama pa rin ang pakiramdam ko at mas bumigat pa yata. Nasa kwarto na ako. Hinanap ng mata ko si Diego pero wala siya.

Tiningnan ko ang oras at alas nuwebe na. Nataranta ako kasi kay pasok pa ako. Tatayo na sana ako ng umikot ang paningin ko at napabalik ako ng higa sa kama. Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa ang pinsan ko.

"Morning, Dess," bungad niya.

May dala siyang pagkain na halatang para sa 'kin.

" Morning, Giek. Nasa'n si Diego?" half-open ang mata ko na nagtatanong.

Masakit ang mata ko at nasusuka ako. Mukhang may lagnat ako.

"Hindi pa siya umuuwi. Ako nga ang nag-akyat sa 'yo rito kagabi nang nakauwi kami ni Jenefe dahil doon ka sa sofa nagtitiis na matulog para lang hintayin siya."

Hindi ako umimik. So hindi umuwi si Diego? Akala ko pa naman siya ang nagdala sa 'kin dito sa kwarto. Nagkamali pala ako.

"Kumain ka muna para makainom ka na ng gamot. Bakit ka kasi nagpaulan kagabi, 'yan tuloy nilagnat ka."

"Wala akong gana, Giek. Please, iwan mo muna ako," pakiusap ko.

Kapag masakit ang ulo ko at nasusuka ako, ayoko ng nakakarinig ng ibang boses. Gusto kong mapag-isa lang.

"Dess, you need to eat and drink meds. Paano ka gagaling?"

" Kusa akong gagaling kapag kinaya ng katawan ko kaya sige na, umalis ka na muna at magpapahinga ako. Pakipatay lahat ng ilaw at pakisarado lahat ng kurtina bago ka umalis, please..."

"Hindi ka pa rin nagbabago. Gusto mo pa rin ng dilim kapag masama ang pakiramdam mo."

"Hm."

" Fine. Hindi na kita pipilitin, as if mapipilit kita e hindi naman ako sa Diego."

Hindi ko na siya inimik. Nang maradaman kong sinunod niya ang gusto ko at umalis na siya ay saka lang siya dumilat. Pwede na akong dumilat dahil sobrang dilim na ng buong kwarto.

Nang maramdaman kong sumakit lalo ang ulo ko ay nagtalukbong ako ng kumot at mariing ipinikit ang mga mata. Nag-aalala ako kay Diego at bakit hindi pa siya umuuwi at may sakit ako kaya 'di ko siya mahanap.

Pinilit ko na lang ang sarili kong magpahinga at nagtagumpay naman ako. Nang magising ako ay madilim pa rin ang buong kwarto pero may nakayakap na sa 'kin. Amoy pa lang alam ko na kung sino.

Nang gumalaw ako ay gumalaw rin siya at hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin. Gising siya, alam ko.

"Buti at umuwi ka," mahinang anas ko.

"I'm sorry," tanging aniya at isiniksik ang katawan sa 'kin.

"Hindi na ako madadala sa sorry mo, Diego. Lagi na lang."

"Sorry, baby..."

Hindi ako umimik. His voice is soft yet different. May kakaiba sa uri ng pagsasalita niya ngayon. At ang yakap niya ay mas mahigpit kesa sa nakasanayan niyang gawin.

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

Hindi siya umimik pero naramdaman kung gumalaw siya at sa isang iglap lang ay may lumapat na bagay sa labi ko. Hindi ko makita pero alam kong labi niya 'yon.

"I'm sorry..." bulong niya.

"Lumayo ka nga, bakit ka nanghahalik? May lagnat ako at baka mahawa ka."

Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko at isinubsob ang mukha sa leeg ko.

" I'm scared, baby... Very....very scared. Ayokong mawala ka. Ayoko."

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon