Kabanata 20

15.9K 359 33
                                    


Jenefe's POV

Pagkarating sa hospital ay malamig ang tingin nilang lahat sa 'kin. Hindi ko mawari kung bakit ganiyan sila maka husga gayong hindi naman nila alam ang katotohanan.

"Magandang umaga po," pagbati ko sa kanilang lahat. Sa mga magulang ni Sir Diego at Madame Selena. Maging sa kaniyang pinsan na si Dir Regie.

"Jake, bakit mo dinala ang babaeng iyan dito? I thought you'll investigate? Kasama ba sa pag-iimbistiga ang dalhin siya rito?"

Napalunok ako ng wala sa oras sa mga salita ng Mommy ni Madame Selena. Lagi kong iniiisip na napaka-kalma niyang babae. Mukhang nagkamali ako.

"Tita, you know that it's wrong accusing someone without any legal proof. Pwede kayo naman ang kasuhan no'n."

"But it's true. Siya naman talaga ang dahilan kung bakita nangyari ito sa aming anak, Jake. Kapag may nangyari masama sa kaniya, hindi ko kayo mapapatawad." Dinuro niya ako at si Sir Jake.

"Whoah. Tita, easy. That's not right." Pumagitna si Sir Regie.

Humakbang paatras ng isang beses si Sir Jake. Hinawakan niya ang braso ko para mapaatras rin ako.

"If Jenefe will be proved guilty, I'll be the one who will bring her to the jail and I'll make sure she stays there." Napalunok na naman ako sa uri ng boses na ginamit ni Sir Jake. Masiyadong malamig na nakakatindig balahibo.

"Let her be innocent until proven guilty," singit ng Daddy ni Madame Selena.

Nakikita kong pinagtatanggol ako ni Sir Jake at hindi tama iyon sa paningin ko. Baka magkagulo pa sila dahil lang sa naniniwala siya sa 'kin. Masaya ako ana pinagtatanggol niya ako pero kapag nagkasira sila, hindi kakayanin ng konsensiya ko. Lalo na't wala namang namamagitan sa 'min ni Sir Jake para ipagtanggol niga ako. Ni kaibigan nga, hindi.

Humigot ako ng isang malalim na hininga at saka humakbang ng isang beses palapit sa Mommy ni Madame Selena.

"Madame, pwede po ninyo akong murahin, saktan at pagsasampalin kung iyon ang sa tingin ninyo ay tama." Mabilis kong naramdaman ang paghawak ni Sir Jake sa braso ko at bahagyang paghila ngunit hindi ako nagpatinag.

"Sasabihin ko ito dahil malinis ang konsensiya ko. Kung makulong man ako dahil sa maling akala ay ayos lang po. Tatanggapin ko. Iisipin ko na lang na iyon ang kaparusahan sa pagiging maldita ko no'ng unang pagkikita namin ni Madame Selena. Ngunit sana ay huwag niyo na pong isali si Sir Jake sa inyong galit sa akin. Siya lamang po ay nagsasabi sa kaniyang pananaw sapagka't totoo naman na ang mambintang ay masama. Hindi po niya ako pinapanigan dahil lang sa sa tingin niya ay tama ako kundi, iyon ang alam niyang tama na gawin dahil isa siyang pulis..." Ngumiti ako ng marahan at yumukod ng bahagya. "Sana ay huwag na po kayong magalit sa kaniya..."

Narinig ko ang pagsinghap nila. Maging ang pagsinghap ni Sir Regie at Sir Jake. Hindi siguro nila inaakala ang mga sinabi ko. Maging ako ay sang-ayon dahil ang mukha ko ay hindi mukha ng isang babaeng mabait. Bumabagya sapagka't hindi rin naman talaga ako mabait.

"T-That was an amazing speech you got right there, Jenefe." Halakhak ni Sir Regie na halatang nagulat nga. "Kalmahan mo lang, baka mapunta sa 'yo ang pagmamahal ng kapatid ko imbis na kay—ops, overboard." Humalakhak na naman siya.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa kakulitan ni Sir Regie. Napaka masayahin niyang tao. Magtataka ako kapag ito ay niloko pa. Gwapo na, may sense of humour pa.

Natigil ako sa pagpuri kay Sir Regie nang masulyapan ko si Madame Selena sa loob ng kwarto. Bumukas kasi ang pinto at lumabas si Sir Diego at umawang ang pintuan.

Napaawang ako ng makita ko ang kalagayan niya kahit sandali lang iyon dahil sumarado rin. Pumayat ng husto si Madame Selena. Hindi ko mapigilang hindi ma-guilty. Hindi ko man kasalanan ay pakiramdam ko kasalanan ko. Naguguluhan na rin ako.

"What are you doing here, Jenefe?" malamig na tanong ni Sir Diego.

Napatitig ako sa kaniyang mukha. Pumayat rin siya ng kaunti. Mukha siyang walang pahinga. Gano'n ba siya nag-aalala kay Madame Selena?

"Jenefe, tinatanong ka ni Diego. Kung makatulala ka naman diyan." Siko sa 'kin bahagya ni Sir Regie.

"P-Po? A-Ah a-ano po, dinala po ako ni Sir Jake rito para bisitahin si Madame Selena." Yumuko ako kasi hindi ko matagalan na tingnan siya.

Pakiramdam ko kasi galit rin siya sa 'kin dahil sa nangyari kay Madame Selena. Sinisisi niya rin yata ako.

"You don't need to. Pwede ka nang umuwi," aniya at naramdaman kong pumasok na muli sa loob.

Kumirot ng kaunti ang dibdib ko. Naiiyak ako. Naiiyak ako sa katotohanang walang naniniwala sa 'kin maliban kay Sir Jake. Katulong lang ako pero tao rin naman siguro ako.

"Umuwi ka na muna, Jenefe. Magpahinga ka," rinig kong ani ng Mommy ni Sir Diego.

"Oo at huwag ka nang bumalik!" dagdag na asik ng Mommy ni Madame Selena.

Nagtaas ako ng tingin at bahagyang ngumiti kahit alam kong naluluha na ako. Masakit pala ang hindi pagkatiwalaan.

"M-Muuna na po ako sa inyong lahat..." mahinang saad ko at yumuko ng bahagya bago patakbong umalis kung saan sila nakatayo.

"Jenefe!"

Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Sir Regie at tumakbo lang ayon sa gusto ko. Mabilis akong nakarating sa labas. Pinahid ko ang luhang nahulog mula sa pisngi ko.

Mahirap lang kami pero ni minsan ay hindi pinaramdam ng magulang ko sa 'kin na sinisi nila ako. Lagi nilang pinaparamdam sa 'kin na mahalaga ako at dapat pinagkakatiwalaan.

Pero mukhang mali ang naparamdam nila sa 'kin dahil ngayon ay hindi ako sanay na pinagdududahan ako. Ayokong umalis sapagkat alam kong lalo silang magdududa pero kapag nagpatuloy na ganito, hindi ako tatagal.

Natigil ako sa pagtakbo sa gilid ng kalsada nang may humila sa braso ko. Napabalik ako sa lakas ng pwersa ng hila na 'yon.

"Jenefe, wait..."

"Bakit po ba?" hindi ko na napigilang sigawan siya.

Pinahid ko ang luha ko gamit ang kamay na hindi niya hawak. Hindi ko akalaing masasaktan ako ng ganito ng pamilyang matagal ko ng pinagsisilbihan. Masakit pa yata 'to no'ng pinagpalit ako sa mayaman na babae ng nobyo ko, e.

"Arte naman nito, umiyak agad."

Umurong lahat ng luha ko sa narinig kong sinabi niya. Ang sipon ko na patulo ay bumalik. Ang puos kong padurog ay bumalik sa pagkakabuo.

"At saka lakas mo maka maganda no'ng hilahin kita, ha? Para tayong nags-shoot ng pelikula." Humalakhak siya.

Ngumiwi ako at pumikit ng mariin. Gusto ko sana mapag-isa at umiyak pero paano ko pa gagawin iyon kung nandito 'to?

"At saka sinigawan mo ba ako? Ikaw na nga pina-experience no'ng hihilahin ang braso na mukhang artista ay ikaw pa ang naninigaw. Ganiyan na ba ka itim ang budhi mo, Jenefe?"

"Sir Regie, sa totoo lang po ay hindi ko alam bakit ka narito at hinahabol ako gayong hindi naman dapat. At saka pwede po bang pakitigilan ang pagbibiro, wala po ako sa mood. Nananapak po ako."

Wala na akong pakialam kung pati siya ay magalit sa 'kin. Magsama na lang silang lahat.

"Whoah." Tumawa siya ng malakas. "Kakasuhan kita, lawyer pa naman ako. Sayang ang ganda mo kung makukulong ka lang."

Nag-init ang pisngi ko sa kaniyang sinabi. Napaiwas ako ng tingin ngunit kasabay ng pag-iwas ko ng tingin ay napunta naman ito sa lalaking nakatayo sa 'di kalayuan at nakatitig sa 'min ng masama.

Sir Jake...

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon