Kabanata 19

14.6K 336 6
                                    


Jenefe's POV

Hindi ko sinadya na magkaganoon si Madame Selena. Wala namana kong kasalanan sa nangyari sa kaniya dahil ang tanging ginawa ko lang naman ay sundin ang utos ni Sir Diego.

Hindi ko naman balak na ipahamak siya. Wala naman talaga akong ginawa pero ayaw maniwala ng lahat. Ayaw maniwala ng mga kasamahan kong katulong. Ayaw nila maniwala na inosente ako sa pangyayaring 'yon.

Oo at nagkaroon kami ng alitan ni Madame Selena. Oo nagalit ako sa kaniya pero noon 'yon. Maayos na ang pakikitungo ko sa kaniya dahil nakita ko naman na nagkakamabutihan na sila ni Sir Diego.

Kaya lang naman ako nagalit sa kaniya dahil gusto ko si Diego at saka isa pa, dahil sa ang bata pa niya pero pumayag na siyang ikasal kay Sir Diego. Wala naman kasia king kaide-ideya noon na arrange pala ang kasal nila.

Kaya no'ng nalaman ko, agad akong nagsisi pero ang mga kasamahan ko, hindi iyong makalimutan at ngayon na kritikal ang buhay ni Madame Selena ay ako ang kanilang tinutulak na may kasalanan.

"Hindi ko nga sabi iyon ginawa. Sinunod ko lang naman ang sinabi ni Sir Diego," depensa ko sa sarili ko.

Wala si Sir Diego at walang malay si Madame Selena at kritikal pa ang lagay kaya walang makakapagsabi na inosente ako.

"Alam naman nating lahat na may lihim kang gakit kay Madame. Aminin mo na, Jenefe. Hindi ka naman siguro ipapakulong ni Sir."

"Sa lagay ni Madame Selena, hindi siya ipapakulong? Nagbibiro ba kayo? Alam niyo kung gaano pinapahalagahan ni Sir Diego si Madame Selena. Baka nga hindi lang ipakulong ang gawin ni Sir, e."

Nanlamig ang katawan ko sa usapan nila. Mahirap lang ako at kapag ipinakulong ako wala talaga akong laban. Kahit inosente ako kapag hindi ko 'yon pinatunayan, talagang masasabit ako at makukulong.

"Maghanda ka na talaga, Jenefe. Ilang araw na rin kayang walang malay si Madame sa kagagawan mo. Nakakagulat nga na narito ka pa rin sa loob ng bahay at hindi tumatakas."

"Kasi nga wala naman akong kasalanan!" sigaw ko sa kanila.

Nagagalit na naman ako kaya iiwas na sana ako. Akmang aalis na ako sa kusina ng makita namin ang pinsan ni Madame.

"G-Good morning po," bati naming lahat sa kaniya ay bahagyang yumuko.

Napalunok ako ng wala sa oras sa presensiya niya. Nakakatakot siyang tumingin lalo na ngayon na nasa sa akin ang kaniyang paningin. Pakiramdam ko ay tinutupoo ako nito.

"I am not your boss. No need to do that," aniya.

Umayos kami ng tayo lahat. Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng takot kay Sir Jake. Sa dating niya pa lang ay talagang nakakatakot. Suot niya ang uniform niya.

"Anyways, I am here to ask some questions to Jenefe."

Napapikit ako ng mariin. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Mas mabilis pa sa kanina. Mas mabilis pa kapag nakikita ko si Diego rati.

"B-Bakit po?" mahinang tanong ko, nanginginig na.

"I'll just ask you some questions, Jenefe. No need to be worried."

Dahan-dahan akong tumango. Alam kong dahil sa nangyari kay Madame Selena kaya niya ako tatanungin.

"Follow me," malamig na aniya at tumalikod.

Humugot ako ng malalim na hininga. Ang mga kasamahan kong katulong ay panay tulak sa 'kin na sumagot ng maayo kung hindi ay makukulong ako.

Hindi ko sila binigyan ng pansin at mabilis na sumunod kay Sir Jake. Wala naman akong dapat na ikatakot dahil inosente ako sa nangyari.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon