Kabanata 28

13.9K 343 0
                                    


Ayokong makipag-away kay Diego lalo na't sumasakit nga talaga ang batok ko. Dahil siguro 'to sa ilang oras na pagyuko dahil sa pagbabasa.

"You see what's the result of your stubbornness?" asik niya.

Inirapan ko siya. Nagmamaldita at nagmamatigas. Naalarma ako ng umupo siya sa kama kaya napaayos ako ng upo.

"Come here. I'll massage your nape and neck."

"Ha?" takang tanong ko.

"I said come here, mamasahiin ko ang batok at leeg mo."

"No," agad na iling ko. "I mean, no need. Hindi na kailangan dahil okay lang naman si—"

"Kapag ikaw nakita kong nagreklamo dahil diyan ay hindi kita tutulungan," striktong aniya.

Tumango ako. Tinatanggap ang sinabi niya. It's okay if he wont help me. As if I am asking for it.

"Magpapahinga muna ako. Ang sakit ng bato—este nakakapagod magbasa." Ngumisi ako ng maliit at humiga.

Hindi na siya umimik at sinundan lang ako ng tingin.  Tumalikod na ako sa kaniya at nagkumot. Totoong pagod ako sa pagbabasa pero masakit talaga ang batok ko kay magpapahinga ako.

Ayokong magpamasahe sa kaniya kasi baka sabihin niya napakapabigat ko. And we're not okay. Hindi ko pa rin nakakalimutan na sa 'kin niya binuhos ang galit niya at mukhang ako pa ang sinisi.

Dahil sa sakit ng batok ay nakatulog ako. Ngunit nagising rin ng may maramdaman akong nagmamasahe sa batok ko. Akmang titingnan ko kung sino 'yon ng pigilan niya ako.

"Shh. Just sleep and let me massage you, stubborn girl."

Napangiti ako. Kinain rin pala niya ang sinabi niyang hindi ako tutulungan. Dahil siguro sa ginawa kaya pagkagising ko ay napakagaan ng pakiramdam ko. Hindi na masakit ang batok ko.

"Good morning."

Napaigtad ako at narinig ang tawa niya sa likuran ko. Saka ko lang na-realize na nakayakap pala siya sa 'kin.

"Have you had a good night's sleep?"

Tumango ako. Nilingon ko siya at nginitian.

"Thank you sa pagmasahe sa 'kin. Ang laking tulong no'n para guminhawa ng ganito ang pakiramdam ko ngayon.

"Yeah. Right." Ngumiwi siya.

Natawa ako. Alam kong naalala niya ang sinabi na hindi ako tutulungan.

"Anyways, magpapa-enroll ka na ngayon. Magkasama kayo ni Jenefe dahil magpapa-enroll rin siya."

Nanlaki ang mata ko. "S-Si Jenefe? Nag-aaral siya?"

"Hm." Tango niya. "She's graduating actually."

Kaya pala no'ng una kong dating dito ay ine-English niya ako. Nag-aaral pala siya. I felt bad for judging her.

Nauna akong bumaba kay Diego dahil huli siyang naligo. Naabutan ko si Kuya Jake at Jenefe sa sala. Nag-uusap sila pero halatang kinakabahan si Jenefe. Bumaba ako at lumapit sa kanila.

"Good morning, you two," bati ko sa kanilang dalawa.

Lumingon si Kuya Jake sa 'kin at ngumiti ng makita ako.

"Good morning, baby."

"Good morning, madame."

Ngumiti ako at tumabi ng upo kay Kuya Jake. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.

"Ah, sa kusina lang po ako. Tutulong sa paghahanda ng agahan." Tumayo kaagad si Jenefe at umalis.

Napakunot ang noo ko sa inasta niya. Si Kuya Jake naman ay napabuga ng marahas na hininga at sinundan lang ng tingin si Jenefe.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon